INTERNATIONAL NAPASA ( MARCH 17) INPORMASYON UKOL SA MGAPANGYAYARING NAKAWAN NOONG PEBRERO がつ お し な い とうなん じ け ん じょうほう 2月に起きた市内で盗難事件の情 報 May dalawang pangyayari ng pagnanakaw ng bisikleta sa Higashi Nakahara at tag-iisa sa Ookami, Yokouchi, Matoi, Yachocho at Inu. Ang pagnanakaw ng bisikleta sa kabahayan ay dumarami kaya’t ipinapayong isusi bago iparada. May 3 kaso ng pangloloob ng sasakyan sa Shinomiya, 2 sa Tamura at 1 sa Minami Kaname. Ipinapayong huwag mag-iwan ng pera o mamahaling gamit kapag ipinarada ang sasakyan. UKOL SA PAGLILIMBAG NG GUIDE BOOK SA PAMUMUHAY PARA SA MAMAMAYAN し み ん せいかつ はっこう し 市民の生活ガイドブックの発行のお知らせ Natapos na ang 2015 GUIDE BOOK SA PAMUMUHAY PARA SA MAMAMAYAN na inililimbag isang beses sa dalawang taon. Dito nakalahathala ang mga inpormasyon ukol sa PAG-IWAS SA SAKUNA, PARA SA KAPAKANAN, PAGPAPALAKI NG MGA BATA, SIGHTSEEING, SPORTS at iba pa. Ang GUIDE BOOK na ito ay makukuha sa General Information sa 1st floor ng main building ng Hiratsuka City Office at mga KOMINKAN (CITIZEN’S HALL). PAGPAPAALAM UKOL SA SWIMMING POOL LESSON PARA SA KALUSUGAN けんこう きょうしつ プールで健康づくり教 室 のおしらせ Magkakaroon ng HEALTH LESSON sa swimming pool para sa kalusugan ng katawan sa Hiratsuka City. Tag-walong beses na pag-aaral tuwing Huwebes, mula sa April 2 hanggang May 21 at tuwing Martes ng mula April 7 hanggang June 2. Ang oras ay mula 9:30 hanggang 11:00 ng tanghali. Ang lugar ay sa 20-1 Sodegahama sa Southern part ng FUKUSHI KAIKAN (WELFARE HALL). Tatanggap na hanggang 25 tao sa bawat beses na pag-aaral, at maaaring sumali ang mga mamamayang nakatira sa Hiratsuka at may edad na 60 taong gulang pataas. Ang bayad ay ¥100 isang beses. Para sa mga gustong mag-apply ay tumawag lamang sa NANBU FUKUSHI KAIKAN (SOUTH WELFARE HALL). Telephone No. 0463-21-3370 (0463-21-3370). INPORMASYON UKOL SA HIDA,TAKAYAMA FESTIVAL ひだこうざんまつ し 飛騨高山祭りのお知らせ Mula March 19 (Thursday) hanggang March 23 (Monday) ay magkakaroon ng HIDA,TAKAYAMA FESTIVAL, magbebenta ng mga popular sa HIDA, TAKAYAMA sa Shimin Plaza sa may Beniyacho. Ang oras ay mula 10:00 hanggang 6:30 ng hapon subalit, ang huling araw ng March 23 ay hanggang 5:00 ng hapon lamang. Makakabili ng Takayama Ramen, Salt Senbei, at iba pang mga popular sa Takayama City. Kung may katanungan sa bagay na ito ay maaaring tumawag sa SIGHTSEEING ASSOCIATION ng Hiratsuka City. Telephone No. 0463-20-5110 (0463-20-5110). UKOL SA SERBISYONG PAGPAPAYO SA TELEPONO SAPARA SA MGA DAYUHAN がいこくじん そうだんでんわ し 外国人のための相談電話サービスについてのお知らせ Mayroong libreng PAGPAPAYO SA TELEPONO para sa mga dayuhan. Ang telepono sa pagpapayo ay 0120-279-338 (0120-279-338) at ang mga wika sa pagtugon ay sa English, Chinese, Korean, Spanish, Tagalog, Portuguese, Portuguese, Vietnamese at Nepalese. Maaaring humingi ng pagpapayo ukol sa PAMUMUHAY, TRABAHO, TIRAHAN, TAHANAN, PERA, SAKIT, PAGPAPALAKI NG ANAK AT IBA PA. Ang oras ay mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi. ANG HIRATSUKA CITY OFFICE AY BUKAS SA ARAW NG SABADO AT LINGGO ど よ う び にちようび しやくしょまどぐち お し 土曜日・日曜日の市役所窓口オーペンのお知らせ Sa mga huling araw ng Marso at unang mga araw ng Abril ay panahon ng mga pagsasagawa ng pag-aayos ng mga papeles kaya ang WINDOW ng Hiratsuka City Office ay may espesyal na bukas para sa mga mamamayan na may kaugnayan sa mga pagbabago. Ang espesyal na 4 na araw na bukas sa March 28 (Saturday), March 29 (Sunday), April 4 (Saturday), at April 5 (Sunday). Ang oras ay mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. At 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.
© Copyright 2025 ExpyDoc