ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Taon XLV Blg. 20 Oktubre 21, 2014 www.philippinerevolution.net Editoryal Wakasan ang presensya at panghihimasok-militar ng US sa Pilipinas K re 12. aisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa mamamayang Pilipino sa mariing pagtuligsa sa brutal na pagpatay ng isang sundalong Amerikano sa isang Pilipina sa Olongapo City noong Oktub- Sinusuportahan ng PKP at lahat ng rebolusyonaryong pwersa ang pamilya at mga kaibigan ng biktimang si Jennifer Laude sa kanilang mga hakbangin upang matamo ang katarungan. Puspusan ang hangarin ng sambayanang Pilipino na makamit ang hustisya para kay Jennifer, para sa lahat ng tulad niyang biktima ng krimen ng mga sundalong Amerikano at para sa buong bayan sa nagpapatuloy na paglapastangan sa kanyang kalayaan. Sinusuportahan ng PKP ang kahilingan ng sambayanang Pilipino na isailalim sa kustodiya ng Pilipinas ang isinasakdal na sundalong Amerikano. Dapat nilang puspusang igiit ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ang VFA ay isang tagibang na ka- sunduan na nagsasaad na mananatili sa militar ng US ang kustodiya sa mga Amerikanong sundalong isinakdal sa mga kasong kriminal sa Pilipinas. Inaalis ng VFA ang soberanong karapatan ng isang estado na ipailalim sa kapangyarihan nito ang sinumang dapat iharap sa paglilitis. Isang malaking insulto sa mamamayang Pilipino na ipagkait sa kanila ng gubyernong US ang kapangyarihang ito. Pwede man hingin ng gubyerno ng Pilipinas ang kustodiya, nasa kapasyahan pa rin ng gubyernong US kung ibibigay ito o hindi! Si Jennifer ang pinakahuli lamang sa napakahaba nang listahan ng mga Pilipinong biktima ng iba't ibang krimen ng mga sundalong Amerikano at militar ng US sa Pilipinas. Sa mahigit isandaang taon nang kolonisasyon, neokolonyal na paghahari at panghihimasokmilitar ng US sa Pilipinas, patung-patong na ang mga kaso ng pagpatay, panggagahasa, pagmasaker, pagnanakaw at pandarambong. Ang pagpatay kay Jennifer ay nagpapaalala sa sambayanang Pilipino kung papaano pi- nuksa ng imperyalismong US ang buhay ng 700,000 Pilipino sa gerang agresyon noong 18991902. Aabot pa sa 800,000 Pilipino ang pinatay ng mga sundalong Amerikano sa gera ng panunupil upang gapiin ang armadong rebolusyon para sa pambansang paglaya hanggang noong 1916. Walang kahit isang sundalo o upisyal ng US ang napanagot sa mga krimeng ito. Wala ring sundalo o upisyal ng US ang napanagot sa Subic rape case noong 2005 at iba't ibang mga kaso ng pagpatay, paglapastangan, pamamaril, pambubugbog, pananakot at iba pa. Asahan nang lalo pang darami ang mga krimen ng mga sundalong Amerikano na katulad ng pagpatay kay Jennifer dahil sa pinirmahan ng rehimeng Aquino at gubyernong US na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Sa ilalim ng EDCA, lalo pang darami ang mga sundalong Amerikano na papasok sa bansa at mag-iistasyon sa itatayo nilang mga base at pasilidad sa tinaguriang mga "Agreed Locations"—mga lugar sa saklaw ng mga base militar ng AFP. Ang pagpirma ni Aquino sa EDCA ang pinakahuli lamang niyang akto ng pangangayupapa sa kapangyarihan ng militar ng US. Sa ilalim ng rehimeng Aquino, dumami taun-taon ang mga barko at eroplanong pandigma ng US na pinahintulutang pumasok, maglayag, dumaong at maglunsad ng iba't ibang operasyon sa loob ng teritoryo ng Pilipinas sa ngalan ng "magkasanib na ehersisyong militar" o kaya'y "rest and recreation" at "pagkuha ng suplay" ng mga pwersang Amerikano. Libu-libong tropang Amerikano ang taun-tao'y pumapasok sa bansa. Kung tutuusin, ang papet na rehimeng Aquino ang lumikha ng sitwasyong humantong sa krimen ng pagpatay kay Jennifer. Saan man naroroon ang mga sundalong Amerikano, laganap ang prostitusyon at dekadenteng pamumuhay. Pinatay si Jennifer sa panahong ginugunita ang ika-70 taon ng panunumbalik ng militar ng imperyalismong US upang muling saklutin ang Pilipinas. Sa tinaguriang Leyte Landing, sina- Nilalaman ANG Taon XLV Blg. 20 Oktubre 21, 2014 Ang Ang Bayan ay inilalabas sa wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon, Waray at Ingles. Maaari itong i-download mula sa Philippine Revolution Web Central na matatagpuan sa: www.philippinerevolution.net Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga kontribusyon sa anyo ng mga artikulo at balita. Hinihikayat din ang mga mambabasa na magpaabot ng mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating pahayagan. Maaabot kami sa pamamagitan ng email sa: [email protected] Editoryal: Wakasan ang presensya at panghihimasok-militar ng US sa Pilipinas 1 18 sundalo, patay sa aksyong militar ng BHB 4 Pilipina, pinaslang ng sundalong Amerikano Itochu-DOLE, pinarusahan ng BHB Operasyong harasment sa Bukidnon Mag-ama, pinaslang sa Comval Masaker sa Lacub, kinundena ng PKP 5 6 6 7 Barangay captain sa HLI, nakinabang sa DAP 8 Mga Cojuangco-Aquino, sinampahan ng mga kriminal na kaso Protesta ng mga maralitang-lunsod Danding Cojuangco, makikinabang 8 9 sa proyektong Laiban Dam 10 Paglaban ng mga Kurd sa ISIS 11 mamamahayag, inilunsad 12 Ipagtanggol ang mga paaralan at komunidad 11 Kumperensya ng mga progresibong Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas 2 3 lakay ng US ang Pilipinas upang muli itong sakupin, matapos lumisan ang mga pwersa nitong ginapi noong 1942 ng sumalakay na pwersang militar ng imperyalismong Japan. Ang Leyte Landing (o ang tinaguriang pagbabalik ni Gen. Douglas MacArthur) ang ikalawang pagkakataon na inagaw ng US ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Pilipino. Sa tuwing pumapasok ito sa teritoryo ng Pilipinas, inaangkin ng militar ng US ang pribilehiyo ng pinakamakapangyarihang armadong pwersa sa buong mundo. Ang militar ng US ang nagtatakda kung kailan at saan sila papasok, saan at hanggang kailan sila dadaong, kung ano ang mga sandata na kanilang dadalhin, kung ilang sundalo ang kanilang ipapakat at kung anong mga operasyon ang kanilang ilulunsad. Dala ng bawat sundalong Amerikano ang imperyalistang kahambugan ng kanilang hepeng si Barack Obama na nagdeklara kamakailan na "we are the indispensable nation." (Tayo ang bansang lubos na kinakailangan) Saan man sila mapadpad, nagaasal-amo ang mga armadong tropang Amerikano na dapat silang pagsilbihan ng kanilang mga "kaibigan." Sa Afghanistan man o sa Iraq, sa Pakistan o Pilipinas, kaliwa't kanan ang mga krimen ng mga sundalong Amerikano at pagyurak sa soberanya at integridad ng mga bansang kanilang pinapasok. Tiyak na mas marami pang Jennifer ang magiging biktima ng iba't ibang krimen at pandarahas ng mga sundalong Amerikano sa bansa. Dapat puspusang kumilos ang mamamayang Pilipino upang ipaglaban ang katarungan para kay Jennifer, igiit ang pagwakas sa presensya at panghihimasok-militar ng US at patalsikin ang sunud-sunurang ~ gubyerno ni Aquino. ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 Pilipina, pinaslang ng sundalong Amerikano sa Olongapo S unud-sunod na mga kilos-protesta ang inilunsad ng iba't ibang progresibong organisasyon para igiit ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) matapos ang brutal na pagpaslang ng isang sundalong Amerikano sa isang Pilipina noong gabi ng Oktubre 12 sa Olongapo City. Si Jennifer Laude, 26 anyos, ay pinatay ni Pvt. 1st Class Joseph Scott Pemberton, isang elemento ng US Marine Corps na kabilang sa 3,000 sundalo ng US Marines at US Navy na lumahok sa katatapos lamang na Balikatan Exercises na ginanap sa Palawan at Zambales. Nasa Olongapo noon ang mga tropang Amerikano para magliwaliw. Si Jennifer ay isang transgender , o lalaking mayroong identidad at kinikilalang babae. Nagkakilala sila ni Pemberton sa isang disco house at kalaunan ay sabay silang pumunta sa isang malapit na motel. Di nagtagal ay natagpuang patay si Laude sa loob ng motel ilang minuto matapos makitang umalis si Pemberton. Sinampahan na ng pulisya ng Olongapo City ng kasong murder si Pemberton noong Oktubre 16, subalit nananatili pa rin siya sa loob ng barkong USS Peleliu sa halip na madetine sa isang kulungan sa Pilipinas. Ito ay dahil nakasaad sa VFA na mananatili sa kustodiya ng US ang isang sundalong Amerikanong akusado ng krimen sa Pilipinas. Matingkad sa kasaysayan ang pagbabalewala ng US sa soberanya ng Pilipinas, laluna pagdating sa mga nagkakasalang sundalong Amerikano. Sa bawat pagkakataon ay pinagtatakpan din ng reaksyunaryong gubyerno ang mga kriminal na tropa ng amo nitong imperyalista. ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 Noong Nobyembre 2005, ginahasa ni Lance Corporal Daniel Smith ang Pilipinang si "Nicole." Tulad ng ginagawa ngayon kay Pemberton, hinawakan ng mga awtoridad ng US si Smith habang nililitis at inaapela ang kaso. Samantala ay hindi tinantanan ng US ang pamilya ni "Nicole" hangga't hindi nito binabago ang kanyang testimonya. Mabilis na inilabas ng US sa bansa si Smith matapos bawiin ni "Nicole" ang kanyang salaysay at baliktarin ng korte ang naunang hatol na maysala si Smith. Isa pang Pilipinang nagngangalang "Vanessa" ang ginahasa rin noong Abril 2009 ng isang US Marine na nakatalaga sa Joint US Military Assistance Group. Ang panggagahasa, na isinagawa sa isang hotel sa Makati ay napatunayan ng mga medico-legal na ulat. Gayunpaman, hindi na nagsampa ng kaso si "Vanessa" dahil nangamba siyang magagaya lamang kay "Nicole," na hindi rin nakakuha ng katarungan. Kaaabswelto lamang ni Lance Corporal Smith isang buwan bago gahasain si "Vanessa." Bago ito, noong Pebrero 2008 ay pitong sibilyan, kabilang ang apat na menor de edad ang napatay nang salakayin ng pinagsanib na mga pwersa ng US Navy at AFP ang Barangay Ipil, Maimbung, Sulu. Pinalabas ng AFP na namatay ang mga biktima sa isang operasyong militar laban sa Abu Sayyaf na hindi raw nilahukan ng mga sundalong Amerikano. Noon namang 2004, si Arsud Baharun, isang mangingisda ang nasugatan ng mga sundalong Amerikanong nagta-target practice sa Zamboanga City. Walang nanagot sa mga salarin, at papatak-patak pa ang ibinigay na tulong sa pagpapagamot ng biktima. Isa pang sibilyang nangngangalang Buyong-Buyong Isnijal ang binaril ng sundalong Amerikanong si Sgt. Reggie Lane noong Hulyo 2002 sa Basilan. Hindi man lamang humarap sa anumang asunto si Lane dahil inilabas na siya ng US sa Pilipinas kinabukasan. Ang 3 doktor namang gumamot kay Isnijal at nagsalaysay na kabilang ang tatlong sundalong Amerikano sa mga nagdala sa biktima sa ospital ay kahina-hinalang pinaslang matapos ang dalawang taon. Noon namang Marso 2000, binugbog ng tatlong sundalong Amerikanong lumahok sa Balikatan Exercises si Marcelo Batistil, isang drayber ng taksi sa Cebu City. Agad ding pinauwi sa US ang mga sangkot na tropa. Ang pinakahuling biktima bago si Laude ay si Gregan Cardeño, isang sibilyang kinontrata bilang tagasalin ng mga sundalong Amerikanong nakaistasyon sa loob ng isang base militar ng AFP sa Marawi City. Tatatlong araw pa lamang sa trabaho noong Pebrero 2, 2010 ay natagpuang patay si Cardeño sa baraks ng Philippine Army 103rd IBde sa Camp Ranao. Ang kaibigang nagrekomenda sa kanya sa trabaho at tumutulong noong imbestigahan ang kaso ay inambus at napatay matapos ang dalawang buwan. Papunta sana siya noon sa pamilya ni Cardeño para isiwalat ang kanyang mga natuklasan. Marami ring kinasangkutang kaso ng panggugulo at pambabastos sa kababaihan ang mga tauhang militar ng US sa Zamboanga City mula nang itayo rito ang himpilan ng Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) noong 2002. Lumaganap din ang prostitusyon sa Zamboanga at Olongapo mula nang dumalas ang pagdaong ng mga barko de gera ng US sa Pilipinas. Asahang dadalas ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga sundalong Amerikano kapag bumwelo na ang implementasyon ng EDCA, dahil papayagan nitong magtayo ng mga base militar ang US sa Pili~ pinas. 4 18 sundalo, napatay sa serye ng mga aksyong militar ng BHB L abing-walong sundalo ang napatay at dalawa ang nasugatan sa serye ng mga taktikal na opensiba at iba pang aksyong militar ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Compostela Valley, Davao Oriental at Agusan del Sur mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 12. Dalawang M16 din ang nakumpiska sa mga labanang ito. Ang mga nasaklaw na lugar ay bahagi ng ComvalDavao Eastcoast Subregional Command ng BHB sa Southern Mindanao Region. Pinasusubalian ng mga taktikal na opensibang ito ang ipinagmamayabang ng AFP na napuksa na raw ang BHB sa Davao Oriental at ilang bahagi ng Compostela Valley. Bagkus, nitong nakaraang mga buwan, ang 67th IB ang siyang nalagasan na ng katumbas ng dalawang platun (patay at sugatan) sa anim na taktikal na opensiba at sa mga operasyong isnayp at harasment ng BHB laban sa naturang batalyon. Sa desperasyon ng AFP Eastern Command, imbes na ipasa na sa pulisya ang mga lugar na "nalinisan" na raw ng mga Pulang mandirigma ay nagdagdag pa ito ng 100 sundalo mula sa 11th Coy ng 4th Scout Rangers Battalion. Sa pinakahuling mga taktikal na opensiba, pinasabugan ng mga Pulang mandirigma ang himpilan ng 66th IB sa New Bataan, Compostela Valley noong Oktubre 12, bandang alas-10:45 ng gabi at inambus ng isa pang yunit ng BHB ang mga nag-ooperasyong sundalo ng 67th IB sa Barangay Mahan-ub, Baganga, Davao Oriental. Limang sundalo ang napatay at dalawang M16 ang nasamsam sa dalawang taktikal na opensibang ito. Bago ito, dalawa pang sundalo ang napatay nang harasin ng BHB ang patrol base ng 67th IB sa Salvacion, Trento, Agusan del Sur ganap na alas10:35 ng gabi ng Oktubre 11. Napapanahong parusa ang pagsalakay sa hedkwarters ng 66th IB dahil isinagawa ito iilang oras pa lamang ang nakakalipas mula nang brutal na ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 paslangin ng mga sundalo ng naturang batalyon ang magamang Dagansan na nakasalubong lang nila sa daan sa Manurigao, New Bataan. (Tingnan ang kaugnay na artikulo) Parusa rin ito sa 66th IB sa pagsalbeyds nito sa aktibistang magsasakang si Gregorio Galacio sa kanyang bahay sa Kahayag, New Bataan noong Hulyo 19. Apat na beses pang inatake ng BHB sa subrehiyon ang iba't ibang yunit-militar sa saklaw nito noong huling bahagi ng Setyembre: Noong Setyembre 27, bandang alas-2 ng hapon, sinunog ng BHB ang detatsment ng 67th IB sa Km. 28, Barangay Panansalan, sa bayan ng Compostela sa Compostela Valley. Noong Setyembre 26, bandang alas-9 ng umaga, apat na pasistang tropa ang napatay at dalawa ang nasugatan nang maengkwentro ng BHB ang mga sundalo ng 67th IB sa Barangay Kampawan, Baganga. Noong Setyembre 24, bandang alas-10 at alas-11 ng gabi, dalawang sundalo mula sa 72nd IB ang napatay sa dalawang magkahiwalay na operasyong isnayp sa mga detatsment ng kaaway sa Barangay Tapia, Monkayo, Compostela Valley at Barangay Marapat, Compostela. At noong Setyembre 22, bandang alas-3 ng umaga, apat na sundalo ang napatay nang pasabugan ng BHB ang nagpapatrulyang platun ng 25th IB sa Upper Ambawan, Barangay Ngan, Compostela. Nawasak din ang sinasakyan nilang trak na KM 450. Sa hiwalay na operasyon, napatay ang isang sundalong gumugwardya sa Petroleum Mining Corp. nang isnaypin siya ng BHB sa Sityo Mambusao, Ba~ rangay Ngan. ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 Itochu-Dole Corp., pinarusahan ng BHB sa South Cotabato S inunog ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Far South Mindanao ang isang boom sprayer noong Oktubre 6 sa Sityo El Bantong, Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato upang di na ito magamit sa pamiminsala sa kapaligiran at kalusugan. Ang naturang kagamitan ay pag-aari ng Itochu-Dole (dating Dole Philippines), isang kumpanyang Hapon na may malalawak na plantasyon sa Pilipinas, Australia, New Zealand at iba't iba pang bansa sa Asia. Isinagawa ng Julito Banda Front ng BHB ang hakbangin sa harap ng malawak at seryosong pinsalang idinudulot ng plantasyon. Mula nang itayo ang mga plantasyon sa Allah Valley mahigit sampung taon na ang nakararaan ay libu-libong magsasaka na ang naagawan ng lupa dahil sa agresibong pagpapalawak ng kanilang plantasyon ng pinya at saging. Ang malawakang pagpapalit-gamit ng lupa mula palay tungong mga plantasyong isahang klaseng tanim ay nagdudulot ng malaking banta sa seguridad sa pagkain. Ang paggamit naman ng mga agrokemikal ay lumalason sa hangin, mga sistemang patubig at pinagkukunan ng pagkain na nagdudulot ng problemang pangkalusugan sa dumaraming mamamayan. Ang matitinding baha na laganap din ngayon sa Allah Valley ay bunga ng pagbabaw ng mga ilog dahil sa pagtatambak ng kumpanya ng kanilang basura rito. Dahil sa lakas ng pagtutol ng masa, napilitan kamakailan ang kumpanya na itigil ang paggamit ng boom sprayer sa ere upang magbomba ng pestisidyo. Sa halip, inoopereyt na lamang ito sa lupa. Pero tuwing dumadaan ito, binabato ito ng mga residente para maipakita ang kanilang galit at pagtutol sa pagpapanatili ng plantasyon. Para supilin ang paglaban ng mamamayan at kilusan ng mga manggagawang bukid laban sa kumpanya, ginagamit ng ItochuDole ang mga mersenaryong tropa ng 27th IB. Samantala, sa Northern Samar, umabot sa 11 sundalo ang napatay sa dalawang magkahiwalay na operasyong harasment sa Barangay Gebonawan, Lope de Vega noong Setyembre 29 at 30. Ang mga binirang kaaway ay kabilang sa mahigit 50 elemento ng 63rd IB na nag-operasyon sa lugar mula Setyembre 26 hanggang Oktubre 7. Matapos ang harasment ay may nagreimpors pang mahigit 130 sundalong gumalugad sa anim na kilometrong radius pero wala silang nahagip na mga Pulang mandirigma. Dahil sa galit ng kaaway, dalawang beses silang nag-aerial strafing sa mga komunidad ng Gebonawan at sa Barangay Paguite, pero wala ring naging kaswalti sa BHB maliban sa isang gerilyang bahagya lamang na nasugatan. Agad na inireklamo ng mga upisyal ng Barangay Paguite sa lokal na gubyerno ang walang pakundangang aerial strafing ng AFP. ~ 5 Operasyong harasment sa Bukidnon I sang elemento ng Special CAFGU Active Auxiliary ang napatay nang paputukan ng isang tim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang nag-ooperasyong mga sundalo at paramilitar sa Kagahuman, San Luis, Malitbog, Bukidnon noong Oktubre 9, bandang alas-12 ng tanghali. Noon namang Oktubre 11, bandang alas-5:30 ng hapon, pinaputukan ng isa pang tim ng BHB ang mga tropa ng 8th IB sa Sityo Calampigan, Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon kung saan napatay ang isang sundalo at nasugatan ang dalawang elemento ng CAFGU. Ang mga tropa ng AFP ay nagpipilit maglunsad ng mga operasyong militar para iligtas ang dalawang sundalong dinakip ng BHB sa Impasug-ong noong Agosto 22 na sina Pfc. Marnel Cinches at Pfc. Jerrel Yorong. Nagpwesto pa ng dalawang 105-mm howitzer ang 8th IB sa Barangay Hagpa, Impasug-ong. Sa Palo, Hindangon, Gingoog City, patuloy din ang operasyong kombat ng 58th IB na nagpwesto rin ng dalawang howitzer sa lugar. Mariing binatikos ng BHB ang nagpapatuloy na rescue operations. Sa halip, ang dapat ipatupad ng AFP ay Suspension of Offensive Military Operations o SOMO na siyang magbibigay-daan sa maayos at ligtas na pagpapalaya sa dalawang bi~ hag. 6 Mag-ama, pinaslang sa ComVal I sang mag-amang Mandaya ang walang awang pinatay ng mga sundalo sa Compostela Valley. Samantala, biktima ng iligal na pang-aaresto ang isang lider-magsasaka sa Davao del Norte, isang development worker sa Tagum City at magpinsang sibilyan sa Pampanga. Compostela Valley. Dalawang myembro ng tribong Mandaya ang napatay nang pagbabarilin sila ng mga elemento ng Alpha Coy ng 66th IB sa Barangay Manurigao, New Bataan, Compostela Valley noong Oktubre 12 ng madaling araw. Sina Rolando L. Dagansan, 45 taong gulang at binatilyo niyang anak na si Juda, 15 anyos, ay pauwi na mula sa kanilang maisan nang masalubong nila ang nag-ooperasyong mga sundalo. Walang pakundangan silang pinaulanan ng bala ng mga sundalo. Nagkalasug-lasog ang mga katawan ng mga biktima at di na makilala ang kanilang mga mukha. Ang braso ni Rolando ay nahiwalay pa sa kanyang katawan sa lakas at dami ng tama ng mga bala. Ang labis-labis na pagkakatadtad ng bala ng mga biktima ay nagpapasinungaling sa pinalalabas ng militar na “nagulat” lamang ang mga sundalo at “napagkamalang NPA” ang mag-amang Dagansan. Tagum City. Walang ipinrisintang mandamyento-de-aresto ang mga pulis at sundalong dumakip kay Dominiciano Muya sa isang tsekpoynt noong Oktubre 16. Si Muya, isang agriculturist at development worker ay pinaratangang mataas na upisyal ng PKP at BHB na may `4.8milyong patong sa ulo at may hinaharap umanong mga kasong pagpatay at pagnanakaw sa Bukidnon, Agusan del Sur at Davao Oriental. Sa aktwal, siya ay kon- sultant sa "soil science" sa Salugpungan Learning Center sa Talaingod, Davao del Norte at istap ng Rural Missionaries of the Philippines. Pampanga. Iligal na inaresto ng mga pulis at ahenteng paniktik ng AFP ang magpinsan na sina Lourdes David Quioc, 64 anyos at Reynaldo Canlas Ingal, 63 anyos sa Barangay San Antonio, Mexico noong Oktubre 2. Ipinagpipilitan ng PNP Region 3 na sina Quioc at Ingal ay sina "Eugenia Magpantay" at "Agaton Topacio," sinasabing mga upisyal ng PKP at BHB na may patong na `10.6 milyon para sa kanilang ikadarakip. Mariing itinanggi ng mga kamaganak ng dalawa na sila ang tinutukoy na mga lider. Si Quioc ay kilalang manghihilot sa kanilang lugar at volunteer sa isang simbahan habang si Ingal naman ay retiradong drayber ng National Power Corporation sa Morong, Bataan. Kasalukuyan silang nakakulong sa Bulacan Provincial Jail. Davao del Norte. Inaresto si Lito Lao, isang lider-magsasaka, noong Oktubre 7 sa ABC Hall sa Kapalong habang isinasaayos niya ang isang dayalogo sa pagitan ng mga magsasaka at mangangamkam ng lupa sa lugar. Hinuli siya sa bisa ng isang mandamyento-de-aresto hinggil sa gawa-gawang kasong pagnanakaw laban sa kanya at 12 iba pang lider-aktibista na isinampa ng panginoong maylupang si Vivien Jubac noong 2012. ~ ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 Masaker sa Lacub, Abra, mariing kinundena ng PKP M ariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Ilocos-Cordillera Region ang karumal-dumal na pagmasaker ng mga sundalo ng 41st IB sa pitong myembro ng BHB sa Lacub, Abra noong Setyembre 4. Ang mga biktima ay pawang mga hors de combat o wala nang kakayahang lumaban. Kinundena rin ng PKP ang ekstrahudisyal na pamamaslang ng militar sa dalawang sibilyan at iba pang paglabag sa karapatang-tao at mga internasyunal na makataong batas. Sumaludo at iginawad ng PKP at BHB ang pinakamataas na parangal sa mga kadre ng Partido at mga Pulang mandirigmang sina Arnold “Ka Mando” Jaramillo, Recca Noelle “Ka Tet” Monte, Brandon “Ka Sly” Madranga, Robert “Ka Dawyan” Beyao, Ricardo “Ka Tubong” Reyes, Pedring “Ka Jess” Banggao at Robert “Ka Limbo” Perez. Ayon sa panimulang imbestigasyon, napatunayang ang mga napatay na Pulang mandirigma ay nadakip nang sugatan matapos magapi ng nag-ooperasyong mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa halip na gamutin at tratuhin bilang mga bihag-ng-digma alinsunod sa pandaigdigang batas ng digma, walang awa silang tinortyur at pinatay ng mga pasista. Pinapatunayan ito kahit ng mga report ng awtopsiya na isinagawa ng mga ahensya ng gubyerno. Ang bangkay ni Ka Mando, sa partikular, ay tadtad ng tama ng bala. Ang mga tama ay may malinaw na paso sa paligid ng pinasukan ng bala, na nagpapatunay na binaril siya nang malapitan. Kinundena rin ng PKP ang pagpaslang kay Engr. Fidela Salvador, 50 anyos, isang upisyal ng Cordillera Response and Development Services na nagmomonitor sa implementasyon ng Philippine Tropical Cyclone Emergency Response Project sa ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 lugar nang siya ay paslangin. Tinortyur din at pinatay ng 41st IB si Noel Viste, residente ng Barangay Poblacion, Lacub, na kabilang sa 24 na sibilyan na ginawang giya at human shield ng 41st IB noong Setyembre 5. Karamihan sa mga sibilyan ay pinakawalan, maliban kina Viste at Nicasio Asbucan. Kinabukasan, natagpuang patay si Viste. Ayon kay Asbucan, inatasan siya ng mga sundalo na sabihing si Viste ay pinatay ng mga myembro ng BHB. Mahigpit na sinusuportahan ng PKP ang malawakang panawagan ng mamamayan ng Abra sa agarang pagpapalayas sa mga tropa ng 41st IB. Nananawagan ang PKP sa mamamayan ng Abra at sa mamamayang Pilipino na palakasin ang kanilang protesta at paalingawngawin ang kanilang sigaw para sa agarang pagpapalayas sa mga kriminal na tropa ng AFP sa lugar. Inatasan din ng PKP ang BHB sa Abra at sa buong IlocosCordillera na parusahan ang mga salarin sa mga krimeng ito at sa matitinding abuso sa karapatang-tao at bigyan ng hustisya ang lahat ng mga biktima ng pasismo. ~ Pag-aarmas ng AFP sa mga Lumad kontra-Lumad, binatikos M ariing binatikos ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP) ang pagbubuo ng mga grupong paramilitar sa mga Lumad at pag-aarmas ng AFP sa kanila laban sa kanilang mga kamag-anak at katribo. Layunin ng AFP na wasakin ang pagkakaisa ng mga Lumad, gamitin silang tau-tauhan sa inilulunsad na gerang Oplan Bayanihan at sa gayo'y bigyang-daan ang pagpasok ng mga dayuhang kumpanyang may interes sa mga yamang mineral at iba pang likas na yaman sa mga lupaing ninuno ng mga Lumad. Mayroon nang 13 grupong paramilitar na Lumad sa buong Mindanao na patuloy na naghahasik ng terorismo sa mga komunidad ng mga Lumad at magsasaka. Sa Bukidnon, kabilang dito ang San Fernando Matigsalug, Tribal Datus (Sanmatidra); Bungkatol Liberation Front (Bulif); at ang New Indigenous People’s Army for Reform (Nipar) sa ilalim ng 8th IB. Kabilang din dito ang Salakawan o Wild Dogs (na binuo ng 402nd Infantry Brigade), ang Alamara sa Northern Mindanao at ang Task Force Gantangan-Bagani Force sa rehiyong Caraga. Ang mga grupong ito ang nasa likod ng hindi bababa sa 11 kaso ng pagpatay sa mga Lumad at kanilang mga tagapagtaguyod. ~ 7 Barangay captain sa Hacienda Luisita, nakinabang sa DAP M alaon nang matapat na tauhan ng pamilyang CojuangcoAquino si Brgy. Capt. Edgardo Aguas ng Barangay Central, ang pinakamalaking barangay sa loob ng Hacienda Luisita. Si Aguas ay kabilang sa mga upisyal ng gubyerno na nakinabang sa maanomalyang programang Disbursement Acceleration Program (DAP) ni Benigno Aquino III. Personal na nagbigay si Aquino kay Aguas ng `3.5 milyon noong Agosto 2012 para umano sa pagpapatayo ng gusaling multi-purpose ng Barangay Central. Isa si Aguas sa dadalawang kapitan ng barangay na nakatanggap ng pondo mula sa DAP. Bukod sa kanila, tumanggap din ng pondong DAP ang 22 senador, 173 kongresista, 51 gubernador, dalawang bise-gubernador, dalawang bokal, 32 alkalde at dala- wang bise-alkalde. Ang pagkakabilang ni Aguas sa mga nakinabang sa DAP ay nagpapatampok sa bulok na sistemang padrino na ginagamit at pinalalakas ni Aquino. Ginagamit ni Aquino ang pondo ng bayan upang suhulan at gantimpalaan ang mga upisyal ng gubyerno at makuha ang kanilang suporta. Ang pagbigay ni Aquino ng pabor sa Tarlac at mga upisyal nito ay katulad ng pagpabor noon ni Marcos sa Ilocos Norte. Ang pagbigay ng DAP kay Aguas ay kapalit din ng mahabang serbisyo niya sa mga Aquino at Cojuangco, laluna sa pagpapanatili ng kontrol ng angkan sa malawak na lupain ng Hacienda Luisita. Nasa Barangay Central ang Central Azucarera de Tarlac (CAT), ang kanilang simbahan at ang “Sitio Alto” kung saan nakatayo ang magagarang mansyon ng mga Cojuangco. Dito rin rehistrado at bumoboto sina Aquino at ang kanyang mga kapatid. Ano pa nga ba't “kapamilya” ng makapangyarihang angkan ng mga asendero si Aguas, higit pa sa pagiging kapitan ng barangay. Isa siyang stockholder Mga kasong kriminal, isinampa laban sa mga Aquino at Cojuangco M ahigit 100 magsasaka ng Hacienda Luisita ang tumungo sa Department of Justice (DOJ) noong Oktubre 12 para magsampa ng mahigit 100 kasong kriminal laban sa pamilyang Cojuangco-Aquino at kanilang mga kasapakat sa pulisya at Department of Agrarian Reform (DAR). Kaugnay ito sa serye ng pandarahas sa mga benepisyaryo mula nang ipatupad ang huwad na distribusyon ng lupa noong Hulyo 2013. Pawang mga kapamilya at kaibigan ni Benigno Aquino III ang mga inakusahan, kabilang ang tiyuhin niyang si Jose “Peping” Cojuangco Jr., ang kapatid niyang si Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz at ang kilalang “kabarilan” niyang si Virginia Torres. Kinasuhan din sina Tarlac PNP Provincial Director Alex Sintin at dating hepe ng Tarlac City PNP na si Bayani Razalan. Kabilang sa mga isinampang reklamo ang tangkang pagpatay, panununog, pambubugbog, iligal na pang-aaresto at arbitraryong detensyon, pagnanakaw, child abuse at paninira ng 8 mga ari-arian at pananim. Nagmula ang mga reklamo sa serye ng pandarahas ng mga tauhan ng Tarlac Development Corp. (Tadeco) sa tangkang palayasin ang mga manggagawang bukid mula sa binubungkal nilang lupa na saklaw ng Hacienda Luisita. Ilang ulit na binuldoser ang kanilang mga pananim at sinunog ang kanilang mga kubo. Sa kabila ng pandarahas sa mga manggagawang bukid, sila pa ang sinampahan ng patungpatong na mga kaso sa korte sa Tarlac sa layuning sila'y gipitin at takutin. Bago ito, binatikos ng mga manggagawang bukid ang diskwalipikasyon sa 125 manggagawang bukid ng Hacienda Luisita, kabilang ang mga kasapi at upisyal ng AMBALA (Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita). Tinanggal sila ng DAR dahil hindi sila pumayag na pumirma sa kontratang mag-oobliga sa kanila na regular na magbayad ng amortisasyon para sa lupang kanilang ipinaglalaban. ~ ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 ng CAT, kasama ng mga kapatid ni Aquino at isang Wellerita Aguas, na isa rin sa mga executive ng CAT at ng Luisita Realty Corporation na pagaari rin ng mga Cojuangco. Nang ipatupad ang iskemang stock distribution option (SDO), inhinyero ng HLI si Edgardo Aguas at isa sa mga kawaning may pinakamatataas na sahod. Ginagamit siya ng pamilyang Cojuangco-Aquino para sirain ang pagkakaisa ng mga magbubukid sa kanilang pakikibaka para bawiin ang lupa ng Hacienda Luisita. Noong Pebrero 2013, isiningit ang pangalan ni Aguas at iba pang matatapat na tauhan ng pamilyang Cojuangco sa pinal na listahan ng mga makatatanggap ng Certificate of Land Ownership Award. Sa kabilang banda, ang mga tunay na benepisyaryo tulad ng mga kasapi at upisyal ng AMBALA ay arbitraryong diniskwalipika at inalis sa listahan. (Tingnan ang kaugnay na artikulo) Nakatatanggap din si Aguas at lahat ng kapitan sa 11 barangay sa Hacienda Luisita ng malaking porsyento sa pagsisilbing mga ahente sa iskemang “aryendo.” Sa iskemang ito, hinihikayat na mangutang ang mga benepisyaryo at ginagawang kolateral sa utang ang lupang naipamahagi sa kanila, hanggang sa mailit na ang mga ito. Ginagamit ito ng mga Cojuangco upang muling ikonsentra sa kamay nila ang pag-aari ng lupa at isakatuparan ang plano nilang gawing sentro ng komersyo ang bahagi ng plantasyon. Ito ang iskema ng mga Cojuangco upang tuluyang ikutan ang batas ng pamamahagi ng lupang agrikultural. ~ ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 Mga protesta ng mga maralitang lunsod N agrali noong Oktubre 7 ang iba't ibang grupo sa harap ng Department of Budget and Management (DBM) upang kundenahin ang walang awat na demolisyon sa mga komunidad at ang korapsyon sa pondo sa pabahay ng rehimeng Aquino. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY)-Metro Manila, walang natamong pakinabang ang mga maralitang lunsod sa `11.05-bilyong pondo sa ilalim ng maanomalyang DAP na para diumano sa programa sa pabahay. Sa halip na pakinabangan ito ng mga maralitang lunsod sa anyo ng matinong pabahay at iba pang batayang serbisyo, nagsilbi lamang itong kapital para sa mga kumpanya sa konstruksyon tulad ng New San Jose Builders. Nagsilbi lang din itong palabigasan ng matataas na upisyal ng National Housing Authority (NHA) at Malacañang, kabilang ang dating kaklase ni Aquino na si NHA Gen. Manager Chito Cruz. Ayon sa DBM, `10 bilyon mula sa DAP ang ibinigay sa NHA para sa pabahay ng mga maralitang naninirahan sa mga estero sa Metro Manila. Naglaan naman ng `450 milyon para sa mga residente ng North Triangle, Quezon City, `100 milyon para sa mga naninirahan bilang setler sa tabi ng Iloilo River at mga sapa nito, at `500 milyon para sa pabahay ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology. Ang `10-bilyong pondo na napunta sa NHA ay bahagi ng `50 bilyong Informal Settler Fund (ISF) para sa 2012-2016. Mismong ang ISF at iba pang pondo sa pabahay sa ilalim ng DAP ang ginamit sa magastos at marahas na mga clearing operations sa mga komunidad ng maralitang lunsod. Sa gayon, mapapabilis ang implementasyon ng iba't ibang proyektong Public-Private Partnership (PPP), kabilang ang Quezon City Central Business District. Quezon City. Noon ding Oktubre 7, pinamunuan ng Alyansa Kontra Demolisyon-Quezon City (AKD-QC) ang isang kilos-protesta upang batikusin ang patakarang “zero informal settlers” o pag-aalis sa lahat ng mga komunidad ng mga maralitang lunsod. Mahigpit na ipinanawagan din ng AKD na pawalambisa ang ipinasang bagong ordinansa ng syudad, ang SP 2247-2013 na nagbibigaykapangyarihan sa mga lokal na upisyal na ipag-utos ang demolisyon kahit walang kinauukulang kautusan mula sa korte. Bibigyang-daan ng kautusang ito ang walang pakundangang demolisyon ng mga bahay ng maralitang lunsod. "Nasa kamay ngayon ng mga korap na upisyal ng Task Force Copriss (Control, Prevention and Removal of Illegal Structures and Squatting) ang kahihinatnan ng mga tirahan ng 223,000 pamilya,” anang AKD. Ang TF Copriss ay isang ahensyang nasa ilalim ng Office of the City Mayor at mga kapitan ng barangay. Maaari nitong arbitraryong ideklarang iligal ang alinmang istruktura, at kung gayon, maaari itong idemolis. Napag-alaman ng AKD na 17 komunidad sa QC ang pinadalhan na ng Certificate of Compliance ng Local Housing Board ng QC para ipatupad ang pagpapalikas ng mga maralitang lunsod. Montalban, Rizal. Noon ding Oktubre 7 ay nakipagdayalogo ang mga residente ng Kasiglahan Village sa mga upisyal ng NHA sa kon9 traktor sa pabahay na New San Jose Builders. Ang Kasiglahan Village ay proyektong pabahay sa Montalban na pinaglipatan ng libu-libong pamilyang pinalayas sa mga “mapanganib na lugar” sa National Capital Region. Ayon sa mga residente, mas mapanganib pa ang kanilang kalagayan dito kaysa sa dati nilang komunidad. Nitong Setyembre, muling nalubog sa taas-bubong na baha ang mga bahay sa relokasyon nang manalasa ang bagyong Mario. Sa naturang dayalogo, kinwestyon ni Carlito Badion, Pangkalahatang Kalihim ng KADAMAY at residente ng Kasig- lahan, ang kinatawan ng NHA kung saan napunta ang alokasyon mula sa DAP para sa kanilang komunidad. Ang sagot ng NHA, hindi para sa Kasiglahan Village ang pondong `10 bilyon mula sa DBM. Idinagdag pa nito na ang amortisasyon ng mga residente sa pabahay ang magsisilbing pondo para sa ibang grupo ng mga ililikas sa hinaharap. Oktubre 3, Western Bicutan, Taguig. Naglunsad ng noise barrage ang mga residente ng Fort Bonifacio Tenement Building para tutulan ang abiso ng pagpapalikas sa kanila. May 692 yunit ang buong tenement na tinitirhan ng umaabot sa 1,000 pa- milya na pinapalikas dahil hindi na raw ligtas ang gusali. Tinututulan din nila ang ibinibigay sa kanilang relokasyon sa Aguada, Trece Martirez, Cavite dahil bukod sa malayo ito sa kanilang mga trabaho ay hindi rin angkop na tirahan dahil mahina ang ginamit na materyales sa kontruksyon, delikado ang lugar sa pagguho ng lupa at dati itong tambakan ng nakalalasong basura. Ang lupang kinatatayuan ng tenement ay pinag-iinteresan ng Ayala Land Inc. dahil nasa pagitan ito ng Global City at ARCA South Industrial Estate na kapwa may malalaking puhunan ang mga Ayala. ~ Si Danding Cojuangco ang makikinabang sa proyektong Laiban Dam P ursigido si Benigno Aquino III na itulak sa ilalim ng kanyang paghahari ang konstruksyon ng Laiban Dam sa Tanay, Rizal dahil ang pangunahing mamumuhunan dito ay walang iba kundi ang kanyang tiyuhing si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. Ang proyektong Laiban Dam, na nagkakahalagang `65 bilyon ay sosyohan ng San Miguel Corp. ni Cojuangco at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa ilalim ng programang Public-Private Partnership ng gubyernong Aquino. Napipinto na namang gawing palabigasan ng pangkating Aquino ang proyektong ito, na tinaguriang isa sa dalawang New Centennial Water Source Projects na titiyak daw sa suplay ng tubig para sa Metro Manila. (Ang isa pang proyekto sa ilalim nito ay ang `23-bilyong Kaliwa Dam sa General Nakar, Quezon). Palulubugin ng mga proyektong ito ang 37,700 ektarya ng watershed areas, kabilang ang lupang ninuno ng mga tribong Dumagat at Remontado sa Rizal at Quezon. Aabot sa 8,000 pamilyang naninirahan dito, kabilang ang mahigit 4,000 pamilyang Dumagat at Remontado ang mapipilitang lumikas. Walang pahintulot ang dalawang tribo sa konstruksyon ng Kaliwa at Laiban Dam. Di hamak na mas malaki ang pinsalang idudulot ng Laiban Dam. Ang 113-metrong concrete-face, rock-filled dam (CFRD) na magkakaroon ng kapasi10 dad na 1,800 milyong litro bawat araw ay magpapalubog ng 28,000 ektarya at magpapalikas sa humigit-kumulang 7,000 pamilya. Sa State of the Nation Address ni Aquino noong Hulyo ay idineklara na niyang prayoridad ang konstruksyon ng Kaliwa at Laiban Dam sa Sierra Madre. Para sugpuin ang malawak na pagtutol ng mamamayan sa mga proyektong ito, idineploy ng AFP ang dalawang batalyon sa mga baryong palulubugin ng dam. Nakababad na ang mga pwersa ng 16th IB sa mga bulubunduking barangay na palulubugin ng Laiban Dam—ang Laiban, Cayabu, Sta. Inez, Tinucan, Mamuyao, San Andres, Sto. Niño at Daraitan sa Tanay at Lumutan sa General Nakar. Ang 1st IB naman ay nakatutok sa mga bulubunding barangay na palulubugin ng Kaliwa Dam—ang Pagsangahan, Umiray, San Marcelino at Canaway sa General Nakar Magsaysay, Infanta, Quezon. Gayunpaman, suportado ng Rosemarie Lodronio Rosal Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pakikibaka ng mamamayan para pigilan ang konstruksyon ng mga dambuhalang dam na ito. Ang kumand, na kumikilos sa Mt. Sierra Madre-Southern Tagalog Subregion ay nangakong maglunsad ng mga taktikal na opensiba tulad ng sunud-sunod na mga pag-atake nito sa tropa ng AFP sa General Nakar, Tanay at Montalban, Rizal noong Hulyo. ~ ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 SOS: Ipagtanggol ang mga paaralan at komunidad W alang humpay ang mga atakeng militar ng estado sa mga paaralan at komunidad, laluna sa mga alternatibong paaralan na itinayo para sa masang magsasaka at mga Lumad sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Ito ang nagtulak sa iba't ibang grupo na ilunsad ang kumperensya ng Save Our Schools (SOS) Network sa Davao City noong Setyembre 25-27. Dinaluhan ito ng 142 guro, mga taong-simbahan at mga tagasuportang nagmula sa sampung prubinsya ng Mindanao. Ito na ang ikalawang kumperensya ng SOS Network. Naging pangunahing panawagan ng kumperensya ang “Ihinto ang Atake sa Aming mga Paaralan at Komunidad! Edukasyon hindi Militarisasyon!” Binigyang-pansin sa kumperensya ang lansakang paglabag sa karapatang-tao at panggigipit sa mga nagtataguyod ng mga alternatibong paaralan. Hindi bababa sa 100 paaralan sa komunidad ang naging biktima na ng AFP sa buong Mindanao. Karamihan ng mga ito ay nakatayo sa mga liblib na lugar sa mga prubinsya ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Davao del Norte, North Cotabato, Compostela Valley, Davao Oriental, Bukidnon at Sarangani. Ang mga paaralang ito ay itinayo sa inisyatiba ng mga organisasyong Lumad katuwang ang mga taong-simbahan upang makapag-aral ang mga batang malaon nang pinagkakaitan ng reaksyunaryong gubyerno ng serbisyong edukasyon. Labis-labis ang ginagawang pagyurak ng rehimeng Aquino sa mga paaralang pangkomunidad na ito. Sunud-sunod ang inilabas na mga patakarang kontra sa paglago ng mga alternatibong paaralan tulad ng 2013 Guidelines on the Protection of Children during Armed Conflict (Memorandum 221 ng Department of Education) at Letter Directive 25 na inilabas ng hepe ng AFP na kapwa naggigiit na lehitimo ang paglulunsad ng mga aktibidad ng AFP sa loob ng mga paaralan at mga pampublikong yutilidad. Ang mga patakarang ito ang nagbigay sa AFP ng layang maglunsad ng mga pang-aatake sa mga paaralang pangkomunidad. Palala nang palala ang mga kasong ito habang ipinatutupad ng AFP ang gerang Oplan Bayanihan laban sa mamamayan. Kaliwa't kanan ang mga kaso ng paggamit sa mga paaralan bilang baraks o kaya'y pagtatayo ng mga detatsment sa tabi ng mga eskwelahan. Nananawagan ang SOS Network na agarang paalisin ang mga sundalo at paramilitar sa lahat ng paaralan at komunidad. Kinukundena rin nila ang paglulunsad ng operasyong saywar sa mga eskwelahan at komunidad sa ilalim ng CivilMilitary Operations (CMO). Iginigiit din nila ang pagwakas sa panghahamlet, blokeyo sa pagkain at pamumwersa sa mga Lumad na maging paramilitar. ~ ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 Paglaban ng mga Kurd sa ISIS P uspusan ang pakikipaglaban ng mamamayang Kurd sa Syria laban sa mabangis at mapandambong na gerang mapanakop ng Islamic State (ISIS). Sa kabila ng mas mahihinang sandata, matagumpay na napaatras ng mga Kurd ang mga pwersa ng ISIS na sumasalakay sa bayan ng Kobane, ang pinakahilagang bayan ng Syria, na nasa katimugang hangganan ng Turkey. Nitong nagdaang mga linggo, pinupuntirya ng ISIS ang Kobane na susing lugar upang magkaroon ito ng lubos na kontrol sa buong hangganan ng Syria at Turkey. Kaliwa't kanan ang mga brutalidad ng ISIS, kabilang ang maramihang pagpatay sa mga sibilyan at panggagahasa sa mga babae. Ilampung libo na ang napipilitang lumisan patungo sa Turkey. Subalit sa halip na matinag, lalo pang lumakas ang determinasyon ng mamamayang Kurd na makibaka at ipagtanggol ang kanilang mga tahanan at bayan. Sa pangunguna ng YPG o Yunit Pandepensang Bayan, tuluy-tuloy na nagdudulot ang mamamayang Kurd ng pinsala sa ISIS at nahahadlangan ang plano nitong saklutin ang Kobane. Isa ang Kobane sa tatlong canton (pampulitikang yunit) sa rehiyong Rojava (o kanlurang Kurdistan na nasa hilagang Syria) kung saan nagtatag ang mamamayang Kurd ng nagsasariling administratibong gubyerno. Malaon na silang nakikibaka para sa pagpapasya-sa-sarili upang makapagtatag ng isang independyenteng estado sa eryang sumasaklaw sa hilagang Syria, timog-silangang Turkey, hilagang-kanlurang Iran at hilagang Iraq. Mahigit isang taon na ang nakararaan mula nang atakehin ng ISIS ang Kobane at magpataw ito ng mga 11 blokeyo upang pwersahin ang mamamayang sumuko sa brutalidad ng ISIS. Ilampung munisipalidad na ang kinukubkob ng ISIS sa kampanya nitong makapagpalaki ng teritoryo sa hangganang rehiyon sa pagitan ng Iraq at Syria sa pamamagitan ng tahasang brutalidad at teror. Layon nitong kontrolin ang malalaking erya ng minahan ng langis. Nitong nagdaang mga araw, hindi bababa sa 40 tauhan ng ISIS ang napatay sa maigting na pagtatangol ng YPG sa Kobane. Mula Setyembre, umaabot na sa mahigit 300 pwersa ng ISIS ang nasasawi sa pagsalakay sa Kobane, at mahigit 200 naman sa panig ng YPG. Nitong Oktubre 15, napaatras ang mga tauhan ng ISIS mula sa kalakhan ng mga pusisyon nito sa Kobane. Gayunman, inaasahang maglulunsad pa itong muli ng panibagong pagsalakay. Ang YPG ay armadong pwersang binuo ng PYD (Partido Demokratikong Unyon) na pangunahing nagbubuklod ng mga Kurd na nasa Rojava. Ang PYD ay katuwang ng PKK (Partidong Manggagawa ng Kurdistan) na nakabase naman sa hangganan ng katimugang Turkey at hilagang Iraq. Malaon nang pinamumunuan ng PKK at mga katuwang nitong partido ang armadong pakikibaka ng mga Kurd para isulong ang hangarin para sa pagpapasya-sa-sarili. Ang mga tagumpay laban sa ISIS ay natamo ng mamamayang Kurd sa harap ng pagtanggi ng Turkey na kumilos at manindigan laban sa ISIS. Mas minamabuti ng Turkey na atakehin, sa halip na tulungan, ang mga pwersang Kurd na lumalaban sa ISIS. Sumiklab ang malalawak na demontrasyon sa pangunahing mga syudad ng Turkey, pati na sa Germany, na kumukundena sa ginagawang pagkakalinga ng Turkey sa ISIS. Sa hangaring pangalagaan ang "alyansa" sa bansang Turkey, nagpapatumpik-tumpik ang US sa paglulunsad ng pambobomba sa pusisyon ng ISIS, bagay na naglantad sa pagkaipokrito ng US nang magdeklara ito ng gera laban sa ISIS para patatagin ang sarili nitong tayo sa loob ng Middle East. Kumperensya ng mga progresibong mamamahayag, inilunsad M atagumpay na nailunsad ng mga progresibong mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang unang kumperensya hinggil sa alternatibong midya o altermidya noong Oktubre 9 at 10 sa University of the Philippines-Diliman. Itinuturing na kabilang sa alternatibong midya yaong hindi pag-aari o kontrolado ng malalaking korporasyon. Bahagi ng altermidya ang mga website, programa sa radyo, at mga publikasyon na inilalabas ng mga progresibo o pambansa-demokratikong organisasyon. Dumalo sa kumperensya ang mga mamamahayag ng altermidya mula sa Metro Manila, Baguio, Southern Tagalog, Davao, Cebu, Cagayan de Oro, Bicol, Central Luzon, Panay at Tacloban. Ang tema ng kumperensya ay “Bagong Panahon, Bagong Hamon, Palakasin ang tinig ng mamamayan.” Tinalakay sa kumperensya ang kahalagahan ng alternatibong midya sa kasalukuyang panahon at ang mga tungkulin nito bilang "people's media" o midyang tumatangkilik sa mga batayang isyu ng mamamayan. Binaybay sa kumperensya ang rebolusyonaryong tradisyon ng gawaing propaganda, mula sa La Solidaridad ng Unang Kilusang Propaganda at Ka- 12 layaan, ang pahayagan ng Katipunan noong Unang Rebolusyong Pilipino, at ang malaking ambag ng mga rebolusyonaryong pahayagan tulad ng Ang Bayan, Taliba ng Bayan at Balita ng Malayang Pilipinas mula noong panahon ng batas militar hanggang sa kasalukuyan. Sa talumpating binasa ni Rey Claro Casambre, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines, isinalaysay ni Marco Valbuena, media liaison officer ng Kawanihan sa Impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas kung papaano untiunting lumawak ang saklaw ng rebolusyonaryong propaganda mula sa anyong nakasulat lamang hanggang sa internet at bidyo. Niresolba rin sa kumperensya na palawakin pa ang lambat ng mga progresibong mamamahayag at abutin ang iba pang aspeto ng gawain sa radyo, internet (social media), bidyo at dyaryo. Nanindigan din ang mga delegado hinggil sa mga isyung may kinalaman sa masmidya tulad ng Maguindanao Massacre, Cybercrime Law, Freedom of Information Bill, Charter Change at iba pa. Patuloy din nilang palalakasin ang tinig ng mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong impormasyon at analisis sa mga isyu. ~ ANG BAYAN Oktubre 21, 2014 ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Taon XLV Blg. 20 Oktubre 21, 2014 www.philippinerevolution.net Editoryal Wakasan ang presensya at panghihimasok-militar ng US sa Pilipinas K re 12. aisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa mamamayang Pilipino sa mariing pagtuligsa sa brutal na pagpatay ng isang sundalong Amerikano sa isang Pilipina sa Olongapo City noong Oktub- Sinusuportahan ng PKP at lahat ng rebolusyonaryong pwersa ang pamilya at mga kaibigan ng biktimang si Jennifer Laude sa kanilang mga hakbangin upang matamo ang katarungan. Puspusan ang hangarin ng sambayanang Pilipino na makamit ang hustisya para kay Jennifer, para sa lahat ng tulad niyang biktima ng krimen ng mga sundalong Amerikano at para sa buong bayan sa nagpapatuloy na paglapastangan sa kanyang kalayaan. Sinusuportahan ng PKP ang kahilingan ng sambayanang Pilipino na isailalim sa kustodiya ng Pilipinas ang isinasakdal na sundalong Amerikano. Dapat nilang puspusang igiit ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ang VFA ay isang tagibang na ka- sunduan na nagsasaad na mananatili sa militar ng US ang kustodiya sa mga Amerikanong sundalong isinakdal sa mga kasong kriminal sa Pilipinas. Inaalis ng VFA ang soberanong karapatan ng isang estado na ipailalim sa kapangyarihan nito ang sinumang dapat iharap sa paglilitis. Isang malaking insulto sa mamamayang Pilipino na ipagkait sa kanila ng gubyernong US ang kapangyarihang ito. Pwede man hingin ng gubyerno ng Pilipinas ang kustodiya, nasa kapasyahan pa rin ng gubyernong US kung ibibigay ito o hindi! Si Jennifer ang pinakahuli lamang sa napakahaba nang listahan ng mga Pilipinong biktima ng iba't ibang krimen ng mga sundalong Amerikano at militar ng US sa Pilipinas. Sa mahigit isandaang taon nang kolonisasyon, neokolonyal na paghahari at panghihimasokmilitar ng US sa Pilipinas, patung-patong na ang mga kaso ng pagpatay, panggagahasa, pagmasaker, pagnanakaw at pandarambong. Ang pagpatay kay Jennifer ay nagpapaalala sa sambayanang Pilipino kung papaano pi- Mga tuntunin sa paglilimbag 1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil. 2. Pag-print sa istensil: a) Sa print dialog, i-check ang Print as image b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size k) I-click ang Properties d) I-click ang Advanced e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling d) Ituloy ang pag-print 3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa [email protected]
© Copyright 2025 ExpyDoc