Ang pabrika ng Nissan Motor Corporation sa Hiratsuka City ay

INTERNATIONAL NAPASA ( FBERUARY 24)
INPORMASYON UKOL SA PAG-OBSERBA SA PABRIKA NG NISSAN
にっさんじどうしゃ
こうじょうけんがく
し
日産自動車の工場見学のお知らせ
Ang pabrika ng Nissan Motor Corporation sa Hiratsuka City ay bukas para sa
pagbisita ng mga batang nasa elementarya kasama ang kanilang magulang. Ang
iskedyul ay sa March 26 (Thursday) ng 1:30 hanggang 3:30 ng hapon at sa March 30
(Monday), ay dalawang beses, isa sa umaga mula 9:30 hanggang 11:30 ng tanghali at
ang ikalawa ay mula 1:30 hanggang 3:30 ng hapon. Ang kapasidad ay 90 tao sa bawat
beses na pagtanggap. Para sa mga gustong bumisita ay maaaring mag-apply sa HOME
PAGE ng NISSAN MOTOR CORPORATION. Kung may katanungan ukol sa bagay na ito ay
makipag-alam sa NISSAN MOTOR CORPORATION (NISSAN JIDOUSHA), Hiratsuka Factory.
Telephone No. 0463-21-9720 ( 0463-21-9720 ).
SISTEMA NG PAMAHALAAN SA PAGTULONG SA MATRIKULA SA HIGH SCHOOL
こうこう
じゅぎょうりょう
し え ん
くに
せ い ど
し
高校の 授 業 料 を支援する国の制度についてのお知らせ
Ang mga mag-aaral na papasok ng High School ngayong taon ng buwan ng Abril, na
ang pamilya ay sumusuweldo ng hindi hihigit sa ¥9100,000 sa isang taon at hindi
lalampas ng ¥300,000 ang binabayarang RESIDENCE TAX (JUMINZEI) ay mapapaloob sa
sistema ng pagtulong ng pamahalaan sa ilang bahagi o kabuoang bayarin sa matrikula.
Para sa pamamaraan ng pag-aapply ay humingi ng payo sa High School na papasukan
ng mag-aaral. Kinakailangang gawin ang mga pamamaraan sa pagitan ng Marso
hanggang Abril. Kung may katanungan ukol bagay na ito ay makipag-alam sa FINANCIAL
AFFAIRS DIVISION (ZAIMUKA) ng Board of Education ng Kanagawa Prefecture.
Telephone 045-210-8251 (045-210-8251).
PAG-PAPAALAM UKOL SA PAGPA-PARKING NG BISIKLETA SA HIRATSUKA CITY
し な い
じてんしゃ
ちゅうりん
し
市内での自転車の駐 輪 についてのお知らせ
Sa kapaligiran ng JR HIRATSUKA STATION ay dumarami na ang kaso ng pagpaparking
ng bisikleta na nagiging sanhi ng pagsisikip ng daanan ng mga naglalakad at
pagkakasagabal sa daanan ng ambulansiya. Dahil dito ipinapaalam ng Hiratsuka City na
mula April 1 sa North Side ng Hiratsuka Station ay may itinalagang LUGAR NA
PINAGBABAWAL ANG PAGPARADA NG BISIKLETA (JITENSHA CHURIN KINSHI KU IKI).
Sakaling iniwan ang bisikleta sa lugar na ipinagbabawal paradahan, ang bisikleta ay
ililipat sa TAMURA, sa lugar kung saan itatabi ang mga bisikleta. Kailangang mag-ingat
dahil kapag tinubos ang bisikleta ay kailangang magbayad ng halagang ¥2000. Para sa
mga detalye ng mga lugar ukol sa bagong PAGBABAWAL SA PAGPARADA NG BISIKLETA
ay makikita sa February 20 sa PUBLIC INFORMATION (KOHO) o sa HOME PAGE ng
Hiratsuka.
PAGPAPAALAM
UKOL SA PAGSUNOG NG BASURA SA BAHAY
1.
か て い
ご み
しょうきゃく
し
BAHAYELMARE..WONDERLAND
家庭でのゴミの 焼 却 についてのお知らせ
Isang batas na ipinagbabawal ang pagsunog ng mga basura sa bahay tulad ng mga
dahon at tangkay ng puno. Huwag magsunog ng basura sa bahay, at sundin ang mga
itinalagang rules at ilabas ang basura sa araw ng pagkolekta para makuha. Kung may
katanungan ay tumawag sa Tel. 0463-21-8796 (0463-21-8796).