Linggo-linggo ay isinasagawa sa iba`t-ibang lengguwahe

INTERNATIONAL NAPASA ( MARCH 10)
PAGSASASAHIMPAPAWID SA RADYO NG INPORMASYON SA PAG-IWAS SA SAKUNA
ひらつかし
ほうそう
し
平塚市の防災ラジオ放送のお知らせ
Linggo-linggo ay isinasagawa sa iba’t-ibang lengguwahe sa FM SHONAN NAPASA
78.3MHZ. ang (PAGSASAHIMPAPAWID SA RADYO UKOL SA PAG-IWAS SA SAKUNA) sa
Hiratsuka City, lto ay limang minutong pagsasasahimpapawid mula 5:40 ng hapon. Ang
araw ng Lunes ay Ingles, Martes ay sa wikang Portuguese, Miyerkules ay sa wikang
Pilipino, Huwebes ay wikang Espanyol at Biyernes ay sa wikang Intsik. Ang
pagsasahimpapawid ng balita ay nagbabago bawat buwan. Kung may katanungan ukol sa
bagay na ito ay makipag-alam sa DISASTER MANAGEMENT SECTION (SAIGAI TAISAKU
KA) ng Hiratsuka City. Telephone No. 0463-21-9734 (0463-21-9734).
INPORMASYON UKOL SA SHONAN HIRATSUKA FUREAI MARKET
しょうなんひらつか
し
湘南平塚ふれあいマーケットのお知らせ
Sa March 15 (Sunday) ay magkakaroon ng SHONAN HIRATSUKA FUREAI MARKET sa
palagiang lugar sa South Parking ng Hiratsuka Sogo Koen. Ang oras ay mula alas 7 ng
umaga hanggang alas 8:00 ng umaga. Makakabili ng mga lokal na napapanahong mga
gulay, sariwang isda, at iba pa. Mayroong ding demonstrasyon ng ehersisyo ng dumbbell
at ito ay matutuloy pa rin kahit na may kaunting pag-ulan.
Kung may gusto pang malaman ukol sa bagay na ito ay makipag-alam lamang sa
Hiratsuka City, INDUSTRIAL PROMOTION DIVISION (SANGYO SHINKO KA). Telephone No.
0463-21-9758 (0463-219758). At maari ring tumawag sa umaga ng araw ng pagdiriwang.
Telephone No. 090-3215-0106 (090-3215-0106)
INPORMASYON SA PAGHAHANAP NG PERFORMER SA TREE PLANTING FESTIVAL
ひらつかし
りょくか まつ
しゅつえんしゃ
ぼしゅう
し
平塚市の緑化祭りの出 演 者 の募集のお知らせ
Sa April 25(Saturday) at april 26 (Sunday) ay magkakaroon ng TREE PLANTING FESTIVAL
sa lugar ng Sogo Koen sa Hiratsuka City at kasalukuyang naghahanap ng mga performer
na gustong magpalabas sa YAGAI STAGE (OUTDOOR STAGE). Ang nararapat na edad ng
kinatawan ng grupo ay 20 taong gulang pataas at nakatira o nag-tatrabaho sa Hiratsuka
City. May kabouang 10 grupo ang maaaring mag-perform sa Outdoor Stage. Maaari ding
mag-apply ang mga mag-aaral. Para sa pag-aapply at mga katanungan ay tignan na
lamang sa HOME PAGE ng Hiratsuka City.
NAGHAHANAP NG SASALI SA SUSUBOK SA PAG-ANI NG MGA KAMATIS
お や こ
い
と
ま
と
しゅうかく
たいけんさんかしゃぼしゅう
し
親子で行くトマトの収 穫 の体験参加者募集のお知らせ
Sa March 30 (Monday) ay magkakaroon ng pagsubok sa pag-ani ng KAMATIS, ng mga
magsasaka sa Hiratsuka City ay at kasalukuyang naghahanap ng mga sasali. Ang mga
batang nasa Elementarya kasama ang tagapatnubay na nakatira sa Hiratsuka City ang
maaring sumali. Para sa mga susubok ay tatanggap ng may 20 tao. Magkakaroon ng
palabunutan kung sakaling marami ang sasali . Ang bayad ay ¥500 sa bawat isang tao.
Ang oras ay mula 9:00 ng umaga hanggang tanghali. Sa mga gustong sumali ay maaaring
tumawag sa AGRICULTURE AND FISHERIES SECTION ng Hiratsuka City Office. Telephone
No. 0463-35-8103 (0463-8103).