May mga pangyayaring nakawan ng bisikleta sa lugar ng

INTERNATIONAL NAPASA ( OCTOBER 28 )
PANGYAYARING NAKAWAN SA HIRATSUKA CITY NOONG BUWAN NG SEPTEMBER
ひらつか し な い
はっせい
とうなん じ け ん
じょうほう
9月に平塚市内で発生した盗難事件の情 報
May mga pangyayaring nakawan ng bisikleta sa lugar ng OOHARA, YAEZAKICHO at
YAMASHITA. Ang pagnanakaw naman ng motorsiklo ay naganap sa lugar ng YOKOUCHI,
GOTEN, YAMASHITA AT MINAMI TOYODA. Para maiwasang manakawan ng bisikleta o
motorsikilo, ipinapayong maliban sa ordinaryong kandado, ay dagdagan ng Wire Lock na
mabibili sa mga Home Center. Nagkaroon rin ng mga pangyayaring pang-aagaw sa mga
lugar ng SHINOMIYA, YAEZAKICHO, HIGASHI SHINDO at MOMOHAMACHO. Ang oras ng
mga pangyayari ay naganap sa pagitan ng alas otso ng gabi hanggang alas dose ng
umaga. Ang lahat ay parehong nangyari nang papauwi na ng bahay ang napinsala at
mula sa kanyang likuran ay biglang dumating ang lalaking nakasakay ng motorsiklo at
biglang inagaw ang kanyang HANDBAG. Ipinapayong kapag naglalakad sa kalsada ay
mag-ingat ng maigi sa mga sasakyan at papalapit na motorsiklo mula sa likuran. Kung
maaari ay isabit ang handbag sa kabilang bahagi ng hindi nakatapat sa kalsada.
PAG-OBSERBA NG MAGULANG AT ANAK SA PABRIKA NGNISSAN FACTORY
にっさんしゃたい
お や こ
こうじょうけんがく
し
日産車体の親子で工場見学のお知らせ
Sa Holiday ng November 3 at November 24 ay magkakaroon ng pagbisita ng magulang
at anak sa Factory ng NISSHAN SHATAI sa lugar ng Tsutsumicho. Ang pagbisita ay walang
bayad at gaganapin ng 2 beses ang schedule sa isang araw na magsisimula ng 9:30 ng
umaga hanggang 11:30. At sa hapon ay magsisimula ng 1:30 hanggang 3:30 ng hapon.
Iniimbitahan ang 90 tao sa bawat schedule ng event na ito. Para sa mga gustong
bumisita ay mag-apply sa Home Page ng nasabing Kompanya. Kung may katanungan
ukol sa bagay na ito ay tumawag sa Telephone No. 0463-21-9720 ( 0463-21-9720 ).
PAGTATANGGAP NG MGA BATANG PAPASOK NG KINDERGARTEN SA APRIL, 2015
らいねん
がつ
よ う ち え ん にゅうえん
じ ど う
ぼしゅう
し
来年4月に幼稚園 入 園 児童の募集のお知らせ
Ang mga public at private KINDERGARTEN ng Hiratsuka City ay tumatanggap ng mga
batang papasok ng KINDERGARTEN sa isang taon, ng buwan ng Abril. Ang mga batang
maaaring pumasok ay 3 taon, 4 na taon at 5 taong gulang. Ang APPLICATION FORM ay
makukuha sa bawat Kindergarten, mula sa November 1 (Saturday) para sa private
Kindergarten at sa November 4 (Tuesday) naman sa Public Kindergarten. Ang mga
inpormasyon ukol sa mga Kindergarten ng lungsod ay makikita sa PANGPUBLIKONG
INPORMASYON (HIRATSUKA KOHO) at pati na rin sa WEB SITE ng Hiratsuka city. Kung may
iba pang katanungan ukol sa bagay na ito ay tumawag sa EDUCATIONAL AFFAIRS SECTION
ng Hiratsuka City. Telephone Number 0463-35-8118 (0463-35-8118).
PAGPAPAALAM UKOL SA HIRATSUKA TRADE FAIR
ひらつかしょうぎょうまつ
し
平 塚 商 業 祭 りのお知らせ
Sa November 2 (Sunday) ay magkakaroon ng 9TH “HIRATSUKA TRADE FAIR”
(HIRATSUKA SHOGYO MATSURI) sa business district ng Hiratsuka City. Ang oras ay mula
11:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Kung sakaling umulan sa araw na ito, ang
pagdiriwang ay gaganapin sa November 9 (Sunday). Ang mga negosyo sa loob ng siyudad
ay magbebenta ng kani-kanilang ipinagmamalaking mga produkto o serbisyo, pati na rin
ang kanilang ipinagmamalaking mga lutuing pagkain. At sa STAGE ng Machikado hiroba
ay magkakaroon ng mga palabas na musika at sayaw para sa mga bata. Mayroon ding
palabunutan para makapanalo ng mga ticket sa pamimili.
REGULASYON SA TRAPIKO DAHILAN SA SHONAN INTERNATIONAL MARATHON
しょうなんこくさい
こうつうきせい
湘 南 国 際 マラソンによる交通規制について
Sa November 3 (Monday, Holiday) ay gaganapin ang SHONAN INTERNATIONAL
MARATHON. Ang course ng MARATHON ay sa kahabaan ng route 134 sa tabing dagat na
magiging sanhi ng bawal na pagdaan sa kalsadang ito. Ang oras ay mula 8:00 ng umaga
hanggang 3:45 ng hapon.
PAGPAPAALAM UKOL SA MINI CONCERT SA HIRATSUKA CITY OFFICE
ひらつかしやくしょ
し
平塚市役所でのミニコンサートのお知らせ
Sa October 29 (Wednesday), ng mula 12:15 ng tanghali ay magkakaroon ng MINI
CONCERT sa MULTI-PURPOSE HALL sa Ist Floor ng Hiratsuka City Office. Ang pagdalo dito ay
walang bayad. Kung may katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa CITY
DEVELOPMENT FOUNDATION . Telephone Number 0463-32-2237 (0463-32-2237).