Sa June 1 (Sunday) mula 7:00 ng umaga sa palengke ng

INTERNATIONAL NAPASA ( MAY 27)
PAGPAPAALAM UKOL SA “MORNING FISH FESTIVAL” SA SHONAN HIRATSUKA
しょうなんひらつかさかなまつ
あさいち
し
湘 南 平 塚 魚 祭 り朝市のお知らせ
Sa June 1 (Sunday) mula 7:00 ng umaga sa palengke ng bagsakan ng mga isda sa 28-11
Sengokukashi sa Hiratsuka City ay magkakaroon ng “Shonan Hiratsuka Morning Fish
Festival Market”. Ito ay matatapos hanggang sa maubos ay paninda, kaya ipinapayong
pumunta ng maaga. Makakabili ng mga lokal na sariwang isda at daing. At
magpapamigay rin ng libreng “NABE RYOURI” ang mga mangingisda. Kung may
katanungan sa bagay na ito ay tumawag sa AGRICULTURAL AND MARINE INDUSTRIES
SECTION (NOUSUISANKA) ng Hiratsuka City. Telephone Number 0463-21-2066
(0463-21-2066).
UKOL SA PAG-OBSERBA NG BAGONG GUSALI NG HIRATSUKA CITY OFFICE
ひらつかし
しんちょうしゃ
けんがくかい
し
平塚市役所の新 庁 舎 の見学会のお知らせ
Ang Kasalukuyang itinatayong unang seksiyon ng konstruksyon ng bagong gusali ng
Hiratsuka City Office ay matatapos sa buwan ng Mayo. Mag-uumpisa ang pagbubukas para
makapag-obserba sa June 8 (Sunday). Ang oras ay mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.
Makakapag-obserba sa araw na ito ayon sa bilang ng pagkakasunod ng pagtanggap at ang
huling oras ng pagtanggap ay hanggang 3:30 ng hapon. Maaaring lumahok kahit sinong
nakatira o nagtatrabaho sa siyudad ng Hiratsuka o mga estudyante ng high school pataas.
Kung mayroong katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa GOVERNMENT
BUILDING MANAGEMENT SECTION (CHOUSHA KANRI KA) ng Hiratsuka City. Telephone
Number 0463-21-9608(0463-21-9608).
SISTEMANG PAGTUSTOS SA PAMUMUHAY PARA SA MGA MANGGAGAWA
ひらつかし
せいかつしきんゆうしせいど
し
平塚市の勤労者のため生活資金融資制度のお知らせ
Ang Hiratsuka City kasama ang Financing Institution ay mayroong sistemang
pagpapautang sa mababang interest para sa mga naninirahan at nagtatrabaho sa loob ng
siyudad. Ang pinakamataas na halaga na maaaring ipahiram sa isang tao ay hanggang
¥3,000,000. Ang panahon ng pagbabayad sa hiniram ay hanggang 10 taon ang
pinakamatagal. Ang mga makikinabang ay ang mga taong gustong manghiram para sa
pagpapalaki sa bata, pantustos sa pag-aaral, pagbili ng sasakyan, para sa pasilidad sa pagbili
ng photovoltaic power generation, pagpapalaki at pagkukumpuni ng bahay, ceremonial
function, pagpapagamot, panganganak at iba pa. Ang halaga ng tubo ay iba-iba ayon sa
hiniram na pera. Kung may Katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa
CHUOROUDO KINKO Telephone Number 0463-23-2511 (0463-23-2511) .
ISINASAGAWANG SIMPLENG PASUSURI NG RADYASYON SA PAGKAIN
ひらつかし
しょくひん
ほうしゃせいぶっしつかんいけんさ
し
平塚市では食 品 の放射性物質簡易検査についてのお知らせ
Ang Hiratsuka City ay nagsasagawa ng simpleng pagsusuri ng radyasyon sa pagkain ng
walang bayad. Ang araw ng pagsusuri ay tuwing lunes ng hapon at kinakailangan lamang
ang maagang pagrereserba. Ito ay para sa mga may tindahan sa loob ng Hiratsuka City na
bumibili ng mga pagkain, o nagtatanim ng mga makakakain sa sariling tahanan.
Kinakailangang mahigit sa 1 kilogram na timbang ang isang klase ng pagkain. Kung may
gusto pang malamang detalye ay makipag-alam sa CONSUMERS LIFE CENTER (SHOUHISHA
SEIKATSU CENTER ) Telephone Number 0463-20-5775 (20-5775).
PAGPAPAALAM UKOL SA PAGBEBENTA NG MGA NAAYOS NA MUWEBLES
さ い せい かぐ
はんばい
し
再生家具の販売のお知らせ
Ang RECYCLE PLAZA sa 7-3-5 Shinomiya, Hiratsuka City ay magbebenta ng mga naayos na
muwebles. Ang panahon ng pagbebenta ay mula June 1 (Sunday) hanggang June 9
(Monday). Ang Oras ay mula 10:00 nang umaga hangang 4:00 ng hapon. Sa June 9 ng huling
araw ay hanggang tanghali lamang. Sa mga may gusto, ay tignan muna ng aktuwal ang mga
muwebles bago mag-apply. Para sa iba pang detalye ay makikita sa WEB page ng Hiratsuka
City. Kung may katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa Recycle Center ng
Hiratsuka City, Telephone Number 0463-51-5301 (51-5301).
UKOL SA PAGHAHANAP NG TITIRA SA PABAHAY NG MUNISIPYO NG HIRATSUKA
ひらつかし
しえいじゅうたく
ぼしゅう
し
平塚市の市営住宅の募集のお知らせ
Ang Hiratsuka City ay naghahanap ng mga maninirahan sa pabahay ng munisipyo. Para sa
iba pang detalye ukol sa kondisyon ng pag-aapply ay makikita ang gabay sa pag-aapply sa 1st
Floor ng INFORMATION WINDOW (ANNAI MADOGUCHI) ng Hiratsuka City Office at mga
COMMUNITY CENTER (KOMINKAN). Ang pag-aaply ay hanggang May 30 (Friday) at maaari
nang mag-umpisang tumira sa September 1. Kung may gusto pang malaman ukol sa bagay
na ito ay maaaring tumawag sa TOKYU COMMUNITY. Telephone Number 0463-74-4005
(0463-74-4005)
PAGPAPAALAM UKOL SA SCHEDULE NG LABAN SA HOMETOWN NG BELLMARE
じ も と
し あ いよ て い
ベルマーレの地元で試合予定のおしらせ
May 31 (Saturday) mula 4:00 ng hapon laban sa Tokyo Verdy
June 14(Saturday) laban sa Kamatamare Sanuki mula 4:00 ng hapon
Ang maagang pagbebenta ng ticket ay mabibili sa halagang ¥2,600 para sa matanda,
¥1,900, para sa mga Senior Citizen na my edad na mahigit 60 taong gulang pataas, at ¥800
naman ang halaga para sa mga nasa Elementary, Junior High School at High School.