INTERNATIONAL NAPASA ( FEBRUARY 16 ) PAGPAPAALAM UKOL SA PANGYAYARING NAKAWN NOONG BUWAN NG ENER0 がつ とうなん じ け ん じょうほう 1月中の盗難事件の情 報 Noong buwan ng January ay nagkaroon ng kaso ng mga pagnanakaw ng sasakyan sa Shimojima, Megumigaoka, Iijima, at Toyoda Hongo. Sa pagparada ng sasakyan ay ipinapayong isaradong maigi ang lahat ng bintana at siguraduhing isusi ang sasakyan. At nagkaroon din ng kaso ng mga pagnanakaw ng bisikleta sa lugar ng Nakahara, Higashi Shindo, Kitakaname, Daikancho at Beniyacho. Ang tatlong kaso dito ay ang pagparada ng bisikleta ng hindi nakakandado kaya’t ipinapayong sa pagparada ng bisikleta kahit na sa sandaling oras lamang ay siguraduhing huwag kalimutang ikandado. UKOL SA AKSIDENTE SA TRAPIKO SA HIRATSUKA CITY NOONG TAON NG 2015 ねん ひらつかしない こ う つう じこ じょうほう 2015年の平塚市内の交通事故の情 報 Ayon sa report ng HIRATSUKA POLICE STATION, may kabouang 1,078 kaso ng pangyayaring aksidente sa Hiratsuka City noong taong 2015 na bumaba ng 187 kaso ng pangyayaring aksidente kung ikukumpara noong taon bago mag 2015. Sa kabouang bilang na ito ay may 306 na aksidente sa bisikleta na bumaba rin ng 75 bilang. Sa pangyayaring ito ang mga batang sangkot sa aksidente ay may bilang na 100 kaso na bumaba rin ng 15 kaso. Subalit ito ay nabibilang pa rin sa mataas na antas ng aksidente. Kaya’t ipinapayong mag-ingat nang mabuti sa pagbibisikleta. MGA INPORMASYONG PAG-IINGAT MULA SA FIRE DEPARTMENT しょうぼうしょ じょうほう 消 防 署 からの注意情 報 Tuwing darating ang taglamig ay panahon ng madalas na paggamit ng heater sa tahanan, at maraming nangyayaring dahilan ng sunog mula sa heater. Ang halos lahat ng kaso ng pinagmulan ng sunog ay ang paggamit ng heater. MGA SUMUSUNOD NA PAG-INGAT SA PAGGAMIT NG HEATER: 1. Sigurading maigi kung may dumi o alikabok bago gamitin ang heater. 2. Huwag ilagay ang heater sa tabi ng Curtain, Futon, Furniture, mga labahing damit at madaling masunog na bagay. 3. Siguraduhing ilagay ang gas sa lalagyan ng container na nararapat para dito. 4. Siguraduhing patayin ang heater bago matulog o kapag lumabas ng bahay. UKOL SA AKSIDENTE SA TRAPIKO SA HIRATSUKA CITY NOONG TAON NG 2015 ねん ひらつかしない こ う つう じこ じょうほう 2015年の平塚市内の交通事故の情 報 Ayon sa report ng HIRATSUKA POLICE STATION, may kabouang 1,078 kaso ng pangyayaring aksidente sa Hiratsuka City noong taong 2015 na bumaba ng 187 kaso ng pangyayaring aksidente kung ikukumpara noong taon bago mag 2015. Sa kabouang bilang na ito ay may 306 na aksidente sa bisikleta na bumaba rin ng 75 bilang. Sa pangyayaring ito ang mga batang sangkot sa aksidente ay may bilang na 100 kaso na bumaba rin ng 15 kaso. Subalit ito ay nabibilang pa rin sa mataas na antas ng aksidente. Kaya’t ipinapayong mag-ingat nang mabuti sa pagbibisikleta. PAGPAPAALAM UKOL SA LIBRENG ARAW NG PAGGAMIT NG GYMN SA PAARALAN がっこうたいいくかん むりょうかいほう し 学校体育館の無料開放のお知らせ Sa February 20 (Saturday) ay magagamit ng libre ang Gymn ng Mizuho Elementary School mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon. At sa February 10 (Thursday) ay sa Nakahara Junior High School mula 7:00 ng gabi hanggang 9:00 ng gabi. Para sa mga katanungan ay tumawag lamang sa SPORTS DIVISION ng Hiratsuka City. Telephone Number 0463-31-3060 (0463-31-3060). .
© Copyright 2024 ExpyDoc