INTERNATIONAL NAPASA ( August 5 ) PANGKALAHATANG PAGSASANAY SA PAG-IWAS SA SAKUNA ひらつかし そうごうぼうさいくんれん し 平塚市市の総合防災訓練のお知らせ Ang September 1 ay itinalaga ng pamahalaan na araw ng “PAG-IWAS SA SAKUNA”. Sa August 23 (Saturday), mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay magkakaroon ng PANGKALAHATANG PAGSASANAY SA PAG-IWAS SA SAKUNA. At mula 8:30 hanggang 9:00 ng umaga ay mag-eensayo ng pagsasahimpapawid ng pagdedeklara ng babala sa FM SHONAN NAPASA. Magkakaroon din ng pag-eensayo ng pagtatawag gamit ang RADYO SA PAG-IWAS SA SAKUNA ng 9:30 ng umaga at kapag narinig ang pag-aanunsiyo na ito ay magtago na sa ilalim ng lamesa at siguraduhing ligtas ang sarili. Sa “HIRATSUKA NO HARAPA” sa SOGO KOEN ay magkakaroon ng pagsasanay para sa pagliligtas, sa tulong ng mga BUMBERO, PULISYA at iba pa. Ngayong taon ay gagamitin ang bagong sasakyang pantulong sa oras ng kalamidad. At ang bawat barangay ay mag-eensayo sa pagtatayo ng evacuation area at kung papaano ito pamamahalaan. Kung may katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa DISASTER PREVENTION SECTION Telepehone Number 0463-21-9734 (0463-21-9734) PAGBABAGO NG PORMAT NG ED CARD PARA SA RE-ENTRY AT DEPARTURE さいにゅうこく しゅっこくよう ど ようしき へんこう し 再 入 国 のため、出 国 用 ED カードの様式の変更についてのお知らせ Ang ginagamit na ED CARD sa paglabas at muling pagpasok ng mga naninirahang dayunan sa Japan ay mababago na mula sa July 1, ng 2014. Sa bagong ED CARD ay nakasulat ang mga sumusunod: Piliin ang naayon (1) May permiso sa muling pagpasok ng bansa (2) May espesyal na permiso sa muling pagpasok ng bansa. Sa paglabas ng bansa ng hindi lalampas ng 1 taon at sa muling pagpasok, isang batayan na hindi na kailangang kumuha ng permiso sa pagpasok ng bansa subalit, mag-ingat dahil ang haba panahon ng permiso ng muling pagpasok sa bansa ay hindi maaaring magtagal ng 1 taon sa ibang bansa. Kung may katanungan sa bagay na ito ay tumawag sa FOREIGN RESIDENCE INFORMATION CENTER. Telephone No. 0570-013904 (0570-013904). SHONAN BANK BYCYCLE RACE FAIR PARA KASIYAHAN NG MAGULANG AT ANAK お や こ たの し 親子で楽しめる湘南バンク競輪のえんにちのお知らせ Mula August 4 (Monday) hanggang August 6 (Wednesday) at sa August 19 (Tuesday) hanggang August 21 (Thursday) sa Kuryozutsumi sa lugar ng BYCICLE RACE ng Hiratsuka ay magkakaroon ng BICYCLE RACE FAIR. Masisiyahan ang pamilya sa mga nakahanay na iba’t-ibang mga tindahan sa gabi. Ang bayad sa pagpasok ay ¥100 para sa matanda. At libre naman ang mga bata hanggang 14 na taong gulang. Ang oras ay mula 4:00 ng hapon hanggang 7:30 ng gabi. Kung may katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa BUSINESS SECTION ng Hiratsuka City. Telephone Number 0463-21-3935 (0463-21-3935). PANAYAM UKOL SA KALAWAKAN AT MGA BITUIN ほし うちゅう かん こうえんかい かいさい し 星と宇宙に関する講演会の開催についてのお知らせ Ang MUSEUM ng Hiratsuka City ay magkakaroon ng panayam ukol sa KALAWAKAN AT MGA BITUIN. Sa August 16 (Saturday) ay makikita sa ARUMA TELESCOPE ang mga bituin at ang bagong labas na planeta. Ang oras ay mula 3:30 hanggang 5:00 ng hapon. Sa August 24 (Sunday) naman ay makikita sa SUBARU TELESCOPE at sa MEGA TELESCOPE FOR NEXT GENERATION ang mga nakaka-challenge na extrasolar planet. Ang oras ay 3:30 hanggang 5:00 ng hapon. Kung may katanungan ukol sa bagay na ito ay makipag-alam sa HIRATSUKA CITY MUSEUM . Telephone Number 0463-33-5111 (0463-33-5111).
© Copyright 2025 ExpyDoc