international napasa ( february 17 )

INTERNATIONAL NAPASA ( March 22 )
PAGPAPAALAM UKOL SA PAGBABAKUNA LABAN SA RABIES NG ASO
よぼうちゅうしゃ
し
犬の予防注射のお知らせ
Ang pagbabakuna sa aso laban sa RABIES ngayong taon ay gaganapin sa mga Park at
Community Center ng Hiratsuka City mula April 6 (Wednesday) hanggang April 19 (Tuesday)
lamang. Para sa mas malinaw na detalye ukol sa petsa at lugar ng pagbabakuna ay makikita
sa PANGPUBLIKONG INPORMASYON NG HIRATSUKA (KOHO HIRATSUKA) sa petsa ng March 18.
Maaari ring pabakunahan ang alagang aso sa mga VETERINARY HOSPITAL, dalhin lamang ang
Medical Record Book ng alaga at Postcard na ipinadala galing sa City Office. Ang first timer sa
pagpaparehistro ng alagang aso ay nagkakahalaga ng ¥6,600 at ¥3,300 naman sa ikalawa at
higit pang pagbibisita. Kung may katanungan ay tumawag sa INVIRONMENTAL POLICY
DIVISION. Telelphone No. 0463-21-9762 (0463-21-9762).
PAGPAPAALAM UKOL SA SPORTS FESTIVAL NG MAMAMAYAN NG HIRATSUKA
し み ん
し
HIRATSUKAPAGPAPAALAM
UKOL
SA PAGBABAKUNA LABAN SA RABIES NG ASO
市民のスポーツフェスティバルのお知らせ
Sa March 27 (Sunday) ay magkakaroon ng CITIZEN’S SPORTS FESTIVAL sa Sogo Koen. Ang
oras ay mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Magkakaroon ng pagkakataong
sumubok ng pag-aaral ng Judo, Soft Tennis at Table Tennnis. Meron ding Oobayashi Matoko
Voleyball Classroom. Para sa iba pang detalye ay makipag-alam sa TOWN PLANNING
FOUNDATION (MACHI DZUKURI ZAIDAN). Telephone Number 0463-35-01-02
BUKAS NA ARAW NG SABADO AT LINGGO ANG MUNISIPYO NG HIRATSUKA
しやくしょ
まどぐち
ど よ う び
にちようび お
ぺ
ん
し
市役所の窓口の土曜日・日曜日オーペンのお知らせ
Mula March 26 hanggang April 3 ay bukas ang Window ng Hiratsuka City Office. Ang oras
ay mula 8:30 hanggang 12:00 ng tanghali at sa hapon ay mula 1:00 hanggang 5:00.
Maisasagawa ang mga pamamaraan para sa pagkuha ng mahahalagang dokumentong
kakailanganin para sa pag-proseso sa umpisa at katapusan ng taon. Para sa mas malinaw na
detalye ay makipag-alam ng maaga sa Telephone Number 0463-21-8772 (0463-21-8772).
PAGPAPAALAM NG MGA ESPESYAL NA PRODUKTO NG SHONAN HIRATSUKA
しょうなんひらつかし
とくさんひん
めいさんひん ふ
ぇ
あ
し
湘南平塚市の特産品・名産品フェーアのお知らせ
Sa March 24(Thursday) hanggang March 26 (Saturday) sa HOSHI NO HIROBA sa Ist Floor ng
Hiratsuka Lusca Building ay magkakaroon ng SHONAN HIRATSUKA ESPECIAL PRODUCT
SPECIALTY FAIR. Makabibili ng iba’t-ibang mga espesyal na produkto ng Hiratsuka City. Ang
oras ay mula 10:00 ng umaga hanggang 8:30 ng gabi. Kung may katanungan ay ukol sa
bagay na ito ay tumawag sa Hiratsuka City CHAMBER OF COMMERCE (SHOKO KAIGI SHO )
Telephone Number 0463-22--25-11 (0463-22-2511)
INPORMASYON UKOL SA PAGBEBENTA NG MGA INAYOS NA MUWEBLES
さ い せい かぐ
はんばい
ち
再生家具の販売のお知ら
Sa April 1 (Friday) hanggang April 8 (Friday) ay magbebenta ng mga limangpung (50) naayos
na Muwebles sa RECYCLE PLAZA sa may Shinomiya. Ang oras ay mula alas 9:00 ng umaga
hanggang alas 4:00 ng hapon subalit sa April 8 ng huling araw ay hanggang tanghali
lamang. Ang bawat isang tao ay makakabili ng isang muwebles. Kinakailangang puntahan
muna ng personal at tignan ang mga MUWEBLES bago magpareserba. Telephone No.
0463-51-5301 (0463-51-5301).
UKOL SA KALUSUGAN NG MGA BATA MULA SA HEALTH SECTION NG HIRATSUKA
OFFICE
平塚市の健康課から子どもの健康についてのお知らせ
ひらつかし
けんこうか
こ
けんこう
し
Ang ika-7 buwan ng pagpapayo sa bata ay sa April 8 (Tuesday), 19 (Tuesday) at 26 (Tuesday)
mula 9:10 hanggang 10:00 ng umaga sa HEALTH CENTER sa lugar ng Toyoda. Ang Teeth
Brushing Lesson ay sa April 12 (Tuesday) mula 10:00 ng umaga hanggang 11:00 ng tanghali.
Ang mga makikinabang ay mula 8 hanggang 12 buwang mga bata. Ang lugar ay sa HEALTH
CENTER din subalit kinakailangan ang pagpapareserba para dito.
Ang eksaminasyon ng ngipin ay sa April 13 (Wednesday) mula 1:00 hanggang 2:30 ng hapon
at sa April 28 (Thursday) mula 9:00 hanggang 10:30 ng umaga. Ang mga makikinabang
naman dito ay mga batang may edad mula 2 taon at isang buwan hanggang 2 taon at 6 na
buwan sa parehong lugar din.