公営住宅等 Public Housing

公営住宅等
Public Housing
外国人が日本で住居を探すのはかなり難しいのが現実ですが,県では,国籍や民族の違
いなどの理由でアパート入居のあっせんや仲介を断られることのないよう業者の指導
にあたっているほか,住宅に困っている人に安い家賃で住宅を提供するための県営住宅
の整備・運営などを行っています。
Tunay na mahirap para sa isang dayuhan na maghanap ng tirahan sa bansang Hapon
ngunit sa Hiroshima, maliban sa paggabay na huwag matanggihang matulungan o
pamagitnaan sa paglilipat ng matitirhan dahil sa nasyonalidad o lahi, ginaganap ang
pag-aayos at pangangasiwa para sa pag-aalok ng mga tirahang may murang upa para
sa mga taong nahihirapan sa pabahay.
県営住宅:Prefectural Housing
住宅に困っている人で,収入基準等一定の資格要件を満たしている人は,入居の申し
込みができます。
Ang mga taong nahihirapan sa pabahay ay maaaring mag-aplay para lumipat sa
bagong tirahan kung matutgunan nila ang mga kinakailangang bagay tulad ng
pamantayan ng kinikita.
制度の概要:Balangkas ng Sistema
申込から入居決定まで:Mula sa Pag-aaplay hanggang sa Pagpapasiya ng
Paglilipat
(1)申込みの受付(入居資格仮審査): Information Center para sa Pag-aaplay
(Preliminaryong Pagsusuri ng mga Kinakailangan para sa Paglilipat)
「県営住宅申込整理表」及び「抽選番号通知用・抽選結果通知用郵便はがき」
を応募する住宅の受付機関に郵送又は持参してください。
Ipadala o dalhin sa mga kaukulang information desk na tumatanggap ng mga
aplikasyon para sa pabahay ang “Listahan ng mga nag-aplay para sa pabahay
ng prefecture (Ken’ei juutaku moushikomi seiri hyou)” at “Poskard ng
notipikasyon ng mga numero ng palabunutan o notipikasyon ng resulta ng
palabunutan (Chuusenbangou tsuuchiyou/chuusen kekka tsuuchiyou yuubin
hagaki)”.
※ 県営住宅申し込み整理表によって入居資格の仮審査(重複申し込みの確認
など)を行い,入居資格がないと判断された場合は,この時点で失格になりま
す。(正式な入居資格審査は,抽選会終了後の指定した時間に改めて行ないま
す。)
* Magkakaroon ng preliminaryong pagsusuri ng mga kinakailangan gamit
ang listahan ng mga nag-aplay para sa pabahay ng prefecture (sisiguraduhing
walang dobleng aplikasyon, at iba pa) at kung napagpasiyahang walang sapat
na kuwalipikasyon para mag-aplay, ituturing nang diskuwalipikado rito.
(Gaganapin ang opisyal na pagsusuri sa itinakdang oras pagkatapos ng
palabunutan.)
(2)抽選番号通知:Notipikasyon ng numero ng palabunutan
抽選番号・抽選日時・抽選場所をはがきで通知します。
Ipagbibigay-alam ang numero, araw at oras, at lugar ng palabunutan sa
poskard.
(3)公開抽選会:Palabunutan na bukas sa publiko
抽選結果(入居候補及び補欠順位又は落選)をはがきで通知します。
※電話によるお問い合わせはご遠慮ください。
Ipagbibigay-alam ang resulta ng palabunutan (mga kandidato para sa
paglilipat at ang mga nasa waiting list, pati na rin ang mga hindi nabunot) sa
poskard.
* Hindi tatanggap ng mga tanong sa telepono.
(4)入居候補及び補欠候補順位又は落選の決定通知:Notipikasyon ng resulta ng
mga kandidato para sa paglilipat at mga nasa waiting list o mga hindi
nabunot
入居資格本審査の通知
Notipikasyon ng Opisyal na Pagsusuri ng Kuwalipikasyon para sa Paglilipat
(5)入居資格本審査:Opisyal na Pagsusuri ng mga Kinakailangan para sa Paglilipat
指定する時間,場所に必要書類を持参していただき,入居資格本審査を受け
ていただきます。
Dalhin sa itinakdang oras at lugar ang mga kailangang dokumento, at
gaganapin ang opisyal na pagsusuri ng mga kinakailangan para sa paglilipat.
※ 次の場合は失格となりますので,御注意ください。
①入居資格本審査に欠席された方
②資格審査の結果
・収入基準,同居親族,住宅の困窮等入居資格に該当しない場合
・特組での入居候補者が特組に該当しない場合
・申し込み整理表と内容が相違した場合など
* Magiging diskuwalipikado ang mga sumusunod:
Mga hindi dumating (nag-absent) para sa pagsusuri ng mga kinakailangan
para sa paglilipat.
Resulta ng Pagsusuri ng mga Kuwalipikasyon
Hindi naaangkop sa kuwalipikasyon ang pamantayan ng kinikita, ang
kasamang naninirahan na kamag-anak, labis na kahirapan sa pabahay, at iba
pa.
2
Hindi naaangkop ang kandidato ng ispesyal na grupo para sa ispesyal na
grupo.
Magkaiba ang nakasulat sa listahan ng aplikasyon at nilalaman nito.
(6)入居決定:Pagpapasiya ng Paglilipat
入居決定から入居まで:Mula sa Pagpapasiya ng Paglilipat hanggang sa
Paglilipat
(7)入居決定通知及び入居説明会の通知:Mula sa Pagpapasiya ng Paglilipat
hanggang sa Paglilipat
入居に必要な書類を交付しますので入居説明会までに準備して下さい。
○請書(連帯保証人 2 名の印鑑証明書と所得証明書が必要です。
)
○敷金(入居時家賃の 3 ヶ月分)
○県営住宅管理台帳
Ipapahayag ang mga kakailanganing dokumento para sa paglilipat kaya
dalhin ang mga ito sa gaganaping pagpapaliwanag.
c Kailangan ang Letter of Agreement o Sulat ng Pagsang-ayon (kailangan ng
patibay ng rehistradong inkan (certificate of registered seal) ng dalawang
garantor at patibay na may kinikita (certification of income) ang mga ito.)
c Shikikin o damage deposit (tatlong buwang halaga ng upa na babayaran sa
paglipat)
c Ledyer ng pinangangasiwaang mga pabahay ng prefecture
(8)入居説明及び入居手続:Pagpapaliwanag tungkol sa Paglilipat at
Pamamaraan ng Paglilipat
○入居可能日の約 1 週間前に行います。
○入居の手続きと入居後の注意事項などを説明しますので,入居者本人が出
席してください。
○請書の提出,敷金の納付などが完了した方に入居可能日 通知書及びカギ
をお渡しします。
※住宅によっては,住宅管理者に入居可能日通知書を提示してカギの交付を
受けていただく場合があります。
cGaganapin ito mga isang linggo bago ang araw ng paglipat.
c Dahil ipapaliwanag ang mga pamamaraan ng paglipat at mga bagay na
kailangang bigyang-pansin o pag-ingatan pagkatapos ng paglipat, kailangang
dumalo ang mismong tao na lilipat.
c Ibibigay ang sulat ng notipikasyon kung kailan maaaring lumipat at ang
susi sa mga taong nagsabmit ng letter of agreement at nagbayad ng shikikin.
* Depende sa pabahay, maaaring kailangan munang ipakita sa
tagapangasiwa ng pabahay ang sulat ng notipikasyon kung kailan maaaring
lumipat bago makuha ang susi.
3
(9)入居:Paglipat
カギの交付を受けた日から入居できます。
ただし,入居可能日から 15 日以内に入居していただくことになります。
Maaaring lumipat sa araw na makuha ang susi.
Ngunit kailangang lumipat sa loob ng labinlimang araw mula sa itinakdang
araw kung kailan maaaring lumipat.
募集の時期 Panahon ng Aplikasyon
(1)新築住宅:Bagong-Tayong Pabahay
住宅の完成時期,場所などを総合的に勘案して定めています。
Isinasaalang-alang at pinagpapasyahan nang maigi ang panahon kung kailan
matatapos itayo ang pabahay, ang lugar nito, at iba pa.
(2)空家住宅:Bakanteng Bahay
原則として,2月・6月・10月に募集を行っています。なお,応募の少な
い住宅がある場合は,必要に応じて,別の日程で募集を行うことがあります。
Bilang pangkalahatang patakaran, ginaganap ang aplikasyon tuwing Pebrero,
Hunyo, at Oktubre. Subalit kung sakaling mayroong pabahay na may
kakaunting aplikasyon, depende sa pangangailangan, gaganapin ang
aplikasyon sa ibang itatakdang panahon.
入居資格:Mga Kinakailangan sa Paglilipat
次の(1)~(5)のすべての条件を満たしていることが必要です。
Kailangang makumpleto ang lahat ng nakasaad sa (1) hanggang (5) sa ibaba.
(1)申込者が原則として成人であること。
Bilang patakaran, nasa sapat na gulang ang aplikante.
(2)現に同居又は同居しようとする親族(以下「同居親族」という。)がいるこ
と。
Mayroong kamag-anak na kasalukuyang kasamang naninirahan o balak
manirahan (tatawaging “nakikitirang kamag-anak” sa ibaba).
(3)世帯の収入(月収額:公営住宅施行令に定める収入額で,一般に言う「手取
り」等とは異なります。)が 200,000 円以下であること。
Mababa sa 200,000 yen ang kabuuang kinikita ng mag-anak (buwanang kita:
nakasaad na halaga ng kinikita sang-ayon sa kautusan ng pangangasiwa ng
pabahay ng gobyerno, at iba sa tinatawag na “tedori” o take-home pay).
(4)現在,住宅に困っていること。
Kasalukuyang nahihirapan sa pabahay.
4
(5)申込者又は同居親族が暴力団員ではないこと。
※この他,入居収入基準が一般世帯より高い裁量階層(一定の障害程度にある
身体障害者世帯など)や単身入居(入居資格(1),(3),(4),(5)の他にも資格要
件があります。)の制度があります。
Hindi miyembro ng gang o sindikato ang aplikante o ang nakikitirang
kamag-anak.
* Maliban sa mga ito, mayroong mas mataas na pagsusunud-sunod ng kaysa
sa mga pangkalahatang mag-anak ang pamantayan ng kinikita para sa
paglipat (pamilyang may miyembrong may kapansanan), o mga lilipat nang
mag-isa (may ilan pang mga hinihingi para sa paglipat maliban sa mga
nakasaad sa (1), (3), (4), at (5)).
注意事項 Mga Paalala
(1)夫婦又は親子を主体とした家族でないと申し込めません。(単身入居の場合
は,他にも資格条件があります。)
Hindi maaaring mag-aplay kung hindi mag-asawa o mag-ina/mag-ama. (May
mga dagdag na hinihingi para sa mga nais lumipat nang mag-isa.)
(2)申込書の同居親族欄に記載されていない人は入居できません。
Hindi maaaring makitira ang mga taong hindi nakasulat sa listahan ng mga
“makikitirang kamag-anak” sa application form.
(3)受付後の申込書の内容変更は一切できません。
Hindi maaaring palitan ang nilalaman ng application form pagkatapos itong
isabmit.
入居を希望される人あるいは入居条件等についての詳細は,次の窓口にお問い
合わせください。
Sa mga interesadong mag-aplay o malaman ang detalye ng paglilipat,
maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na consultation window.
【問い合わせ先】[Para sa mga katanungan]
住宅窓口: Pabahay Consultation Window
広島市,海田町,熊野町,坂町に所在する住宅(第二上安住宅,平成ヶ浜住宅
を除く)
Mga pabahay sa Lunsod ng Hiroshima, Kaita-cho, Kumano-cho, at Saka-cho
(maliban sa Daini Kamiyasu at Heiseigahama)
広島県住宅供給公社県営住宅管理部(県庁農林庁舎内)Hiroshima Prefecture
Housing Provision Public Corporation Prefectural Management Housing
Management Department (inside Prefectural Agriculture and Forestry Office)
TEL (082)223-3121,228-3297
上記以外の市町に所在する住宅:Mga pabahay sa mga lugar na hindi
nabanggit sa itaas
関係地域事務所建設局(建築課)
5
Related Regional Construction Office (Architecture Division) 第二上安住宅
Daini-kamiyasu Juutaku
合同産業(株)広島支店業務 5 グループ
Hiroshima Office, Godo Sangyo Co.
Tel
℡
082-245-2333 Business Group 5,
082-245-2333
平成ヶ浜住宅 Heiseigahama Juutaku
フジタビルメンテナンス(株)広島営業所 ℡ 082-240-6051 Hiroshima
Office, Fujita Building Maintenance Inc. Tel 082-240-6051
市町村営住宅
Municipal Housing
県内の市町村においても,賃貸住宅を供給しているところがありますので居
住地の市区町村役場の窓口にお問い合わせください。
Mayroon ding mga inilaang paupahang tirahan ang mga munisipyo sa
prefecture kaya maaaring makipag-ugnayan sa mga consultation window sa
mga opisina ng lokal na pamahalaan sa rehiyon ng inyong tinitirahan.
【問い合わせ先】: [Para sa mga katanungan
市区町役場 : Munisipyo
広 島 県 住 宅 供 給 公 社 :Hiroshima Prefecture Housing
Corporation
ア
賃貸住宅: Paupahang Tirahan
公社では,広島市,東広島市及び坂町内で賃貸住宅を供給していますので,
入居の申し込みなどについては,公社にお問い合わせください。
Dahil naglalaan din ng paupahang tirahan ang mga pampublikong
korporasyon sa lunsod ng Hiroshima, Higashi-Hiroshima, at Saka-cho,
maaaring makipag-ugnayan sa mga pampublikong korporasyon tungkol sa
mga aplikasyon ng paglilipat at iba pa sa mga lugar na nabanggit.
制度の概要:Balangkas ng Sistema
申込から入居まで:Mula sa Pag-aaplay hanggang sa Paglilipat
申込の受付:Information Center para sa Pag-aaplay
次の必要書類を整えて,公社管理事業部住宅管理担当に持参してください。
賃貸住宅入居申込書(公社所定様式),所得証明書,
入居予定者全員の続柄が記載された住民票,又は外国人登録済み証明書等
その他(転勤証明書,婚約証明書,婚約者の住民票等必要に応じて)
Ihanda ang mga sumusunod na kailangang dokumento at dalhin sa
tagapamahala sa Housing Administration ng Public Corporation Management
6
Service Department.Application form para sa paglipat sa paupahang tirahan
(form ng mga pampublikong korporasyon), Patibay na may Kinikita o
Certification of Income.Resident Certificate ng lahat ng miyembro ng
mag-anak na lilipat, o Certificate of Alien Registration at iba pa Iba pa
(depende sa pangangailangan, Certificate of Transfer o patibay ng paglipat ng
pinagtatrabahuhan, Certificate of Engagement o patibay ng kasunduan ng
pagpapakasal, Resident Certificate ng fiancé/fiancée o katipan, at iba pa)
(2)資格確認:Paninigurado ng mga Kuwalipikasyon
入居に必要な書類を持参していただき,資格審査を受けていただきます。
Pakidala ang mga kinakailangang dokumento para sa paglilipat, at
gaganapin ang pagsusuri ng mga kuwalipikasyon.
(3)住宅の斡旋: Pagpapakita ng Tirahan
適格者と審査された場合,各住宅にあき家がある場合,住宅を斡旋します。
(お申込みの際には,担当窓口であき家発生状況等をご確認ください。)
Kapag pumasa sa pagsusuri ang aplikante, ipapakita ang mga bakanteng
tirahan sa bawat pabahay. (Kung nais mag-aplay, makipag-ugnayan sa
nangangasiwang consultation window upang siguraduhin kung may mga
bakanteng tirahan at iba pa.)
(4)契約の締結: Pagpapatibay ng Kasunduan/Kontrata
次の書類を添えて来社してください。
住宅賃貸借契約(2通),印鑑証明書(1通,実印持参のこと),
口座振替依頼書(2枚とも押印),連帯保証人1名の所得証明書(1通)及
び印鑑証明書(1通),現金(敷金(家賃の3か月分),家賃の日割り分,共
益費)
Dalhin ang mga sumusunod na dokumento pagpunta sa tanggapan.
Lease Contract/ Kontrata ng Pag-upa ng Pabahay (2 kopya), Patibay ng
rehistradong inkan/ Certificate of registered seal (isang kopya, at kailangang
dalhin ang mismong inkan),
Kahilingan para sa pagpapadala ng pera/ Request for Money Transfer (may
tatak ng inkan ang parehong dalawang papel), Patibay na may kinikita/
Certificate of Income ng isa sa mga garantor (isang kopya), at Patibay ng
rehistradong inkan/ Certificate of Registered Seal (isang kopya), cash (para sa
shikikin/damage deposit (halaga ng tatlong buwang upa), arawang bayad ng
upa, bayad para sa kabuuang pamamahala ng pabahay/kyouek
(5)入居 :Paglipat
申込資格:Mga Kinakailangan para sa Pag-aaplay
次に掲げる条件をすべて備えていることが必要です。Kailangang tumupad sa
lahat ng mga kondisyon sa ibaba.
(1)住宅に困窮している方。:Labis na naghihirap sa pabahay.
7
(2)日本国籍を有する方,または次のいずれかに該当する外国人の方。: Hapon
ang nasyonalidad, o dayuhan na naaangkop sa isa sa mga sumusunod.
a.出入国管理及び難民認定法第 22 条第 2 項もしくは第 22 条の 2 第 4 項の規定
により永住許可を受けた方,または出入国管理及び難民認定法の一部を改正す
る法律附則第 2 項の規定により永住者としての在留資格を有する方
Mga taong may pahintulot na permanenteng manirahan sa bansang Hapon
alinsunod sa Paragraph 2 ng Article 22 ng Law of Migration Control and
Refugee Recognition (Batas ng Pamamahala ng Migrasyon at Pagkilala sa mga
Refugee), o Paragraph 4 ng Article 22, o mga taong tinuturing na
permanenteng residente ayon sa mga dagdag na regulasyon ng batas na
bahagyang bumago sa Law of Migration Control and Refugee Recognition.
b.日本国との平和条約に基づき,日本の国籍を離脱した者等の出入国管理に関
する特例法第 3 条に規定する特別永住者または第 4 条もしくは第 5 条の規定に
より特別永住者として許可された方。
Mga taong may pahintulot bilang special permanent resident, mga taong
nawalan ng nasyonalidad na Hapon alinsunod sa Article 3 ng Special Law on
Migration Control ayon sa kasunduan para sa kapayapaan ng bansang Hapon,
o bilang mga special permanent resident na alinsunod sa Article 4 o Article 5.
c.このほか外国人登録法第 4 条第 1 項の規定により登録した方で,広島県住宅
供給公社賃貸借契約の内容を十分理解できる方。
(外国人の方が連帯保証人になられる場合にも上記の資格が必要となりま
す。)
Mga taong nakarehistro alinsunod sa Paragraph 1 ng Article 4 ng Law on
Alien Registration (Batas ng Pagpapatala ng mga Dayuhan), na nakakaintindi
nang maigi sa kontrata ng pag-uupa.
(Kailangan din ang mga binanggit na kuwalipikasyon sa itaas para sa mga
dayuhang may mga garantor.)
(3)県内に職場を有するか又は居住する人で,日本国籍の場合は住民票謄本に記
載されていること。: Taong may pinagtatrabahuhan o nakatira sa Hiroshima;
at kung Hapones, nakasulat ang pangalan sa listahan ng mga residente.
(4)同居親族(6親等内の血族,3親等内の姻族)のあること。:May kasamang
maninirahan na kamag-anak (kadugo hanggang 6th degree, di-kadugo
(in-law) na hanggang 3rd degree.
(5)申込者の毎月平均収入額(継続的な収入で課税の対象となっているもの)が
入居を希望する空家の家賃月額のおおむね4倍以上であること。:Ang
buwanang kinikita (tuloy-tuloy na kita na may halagang maaaring bawasan
ng buwis) ng aplikante ay mahigit sa apat na beses ang laki ng upa ng nais
lipatang bakanteng tirahan.
(6)県内に住所があり,申込者と同程度またはそれ以上の収入があって,当公社
が適当と認める連帯保証人が1名あること。:May tirahan sa Hiroshima,
mayroong kinikitang halaga na kasinlaki o higit pa sa kinikita ng aplikante,
may angkop na garantor na kinikilala ng nasabing pampublikong
korporasyon.
(7)健康で文化的な共同生活ができる方。: Malusog at may kakayahang
makisama alinsunod sa kulturang Hapon.
8
その他 : Iba pa
(1) 受付は常時行っていますが,郵送による申込はできません。Palaging bukas
ang mga tanggapan (Information Center) ngunit hindi tumatanggap ng
aplikasyon na pinadala sa pamamagitan ng koreo.
(2)申込時に空家がある場合は申込から入居まで3~4週間です。空家がない場
合は待機者登録を行い空家が発生するまでお待ちいただくことになります。:
Kung may bakanteng tirahan sa panahon ng pag-aaplay, aabutin ng tatlo
hanggang apat na linggo ang proseso mula sa pag-aaplay hanggang paglilipat.
Kung walang bakanteng tirahan, magkakaroon ng rehistrasyon para sa
waiting list at maghihintay hanggang magkaroon ng bakanteng tirahan.
(3)空家発生状況により受付を一時中止する場合があります。: May mga
pagkakataong tinitigil ang pagtanggap ng aplikasyon depende sa kondisyon
ng mga bakanteng tirahan.
(4)事業者でその使用する従業員に対して住宅を貸し付けようとする場合,事業
者が申し込むことができる住宅もあります。: May mga pabahay na puwedeng
aplayan ng mga negosyante kung pauupahan ng mga negosyante sa mga
empleyado ang tirahan.
イ
分譲宅地 Subdivision Area
公社では,分譲宅地を提供しています。申し込みなど詳細については,公社
にお問い合わせください。
May mga inaalok na subdivision ang pampublikong korporasyon.
Makipag-ugnayan sa mga pampublikong korporasyon tungkol sa detalye ng
pag-aaplay para rito.
【問い合わせ先】: [Para sa mga katanungan]
広島県住宅供給公社
(広島市中区大手町2丁目 11 番 15 号
新大手町ビル3階)TEL082-248-2271
Hiroshima Prefecture Housing Corporation, (3/F Shin-otemachi Bldg., 2-11-15
Otemachi, Naka-ku, Hiroshima)
9