international napasa ( february 17 )

INTERNATIONAL NAPASA (April 5)
PAGPAPAALAM UKOL SA KALUSUGAN NG MGA BATA MULA SA HEALTH DIVISION
ひらつかし
けんこう か
こ ど も
けんこう
し
平塚市の健康課から子供の健康についてのお知らせ
Sa April 8, 19 at 26 ng pare-parehong araw ng martes ay magkakaroon ng pagpapayo
ukol sa mga batang may 7 buwang gulang. Ang oras ay mula 9:10 hanggang 10:00 ng
umaga sa HEALTH CENTER (HOKEN SENTAA) sa lugar ng Toyoda. Magkakaroon din ng
TOOTHBRUSHING LESSON sa April 12 (Tuesday), mula 10:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Ang mga makikinabang, ay mga batang nasa edad mula 8 hanggang 12 buwan. Ang
lugar ay sa Hoken Center din at ang pagpapalista dito ay kinakailangan. Magkakaroon din
ng pag-iiksamin ng kalusugan ng ngipin sa April 13 (Wednesday) mula 1:00 hanggang
2:30 ng hapon at sa April 28 (Thursday) mula 9:00 hanggang 10:30 ng umaga. Ang mga
makikinabang ay mga batang may edad mula 2 taon hanggang 2 taon at 6 na buwan. Ang
lugar ay sa HEALTH CENTER (HOKEN SENTAA) din.
PAGPAPAALAM UKOL SA SCIENCE EVENT SA BUWAN NG ABRIL SA HIRATSUKA
はくぶつかん
がつちゅう
おこな
か が く い
べ
ん
と
し
博物館で4月 中 に 行 われる科学イベントのお知らせ
1. April 9 (Saturday) ay magkakaroon ng panimulang lektura ukol sa STAR WATCHING. Ang
oras ay mula 3:30 hanggang 5:00 ng hapon. Tatanggapin ang naunang 50 katao .
2. April 15 (Friday) ay magkakaroon ng PAGSASAMA-SAMA SA PAGTINGIN NG MGA BITUIN.
Ang oras ay mula 7:00 hanggang 8:30 ng gabi. Kung sakaling umulan o maulap, ang event
na ito ay hindi matutuloy.
3. April 23 (Saturday) ay magkakaroon ng PANIMULANG LEKTURA UKOL SA ASTRONOMIYAANO ANG MAYROON SA SOLAR SYSTEM. Ang oras ay mula 3:30 hanggang 5:00 ng hapon.
Tatanggapin ang naunang 50 katao .
4. April 24 (Sunday) ay magkakaroon ng MUNDO NG PABAGO-BAGONG MGA BITUIN
(HENKOUSEI NO SEKAI). Ang oras ay mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon. Tatanggapin ang
naunang 50 katao . Para sa iba pang katanungan ukol sa nasabing event ay makipag-alam
sa Telephone No. 0463-31-39-49 (31-39-49).
UKOL SA PAGSISIYASAT SA MGA MATATANDANG MAG-ISANG NANINIRAHAN
ひ と り ぐ
こうれいしゃ
ちょうさ
し
一人暮らしの高齢者の調査のお知らせ
Naiintindihan ng Hiratsuka City ang mga matatandang mag-isang naninirahan, kaya
para masiguro ang kaligtasan at iba pa ay magkakaroon ng pagsisiyasat na gagawin. Ang
mga nabibilang dito ay mga taong mag-isang naninirahan na may may edad na 70 taong
gulang pataas mula April 1. Ang panahon ng pagsisiyasat ay mula April 8 hanggang May
31,
at ang mga magsisiyasat ay mga DISTRICT WELFARE OFFICER na bibisita sa bawat tahanan.
Kung sakaling hindi nabisita sa tahanan ay makipag-alam sa ELDERLY WELFARE SECTION ng
City Office. Telephone No. 0463-21-96-22 (21-96-22).
UKOL SA GASTUSIN SA PAG-IISAMING MEDIKAL NG MGA NAGDADALANG TAO
に ん ぷ
けんこうしんだん
ひ よ う
し
妊婦の健康診断の費用についてのお知らせ
Dito sa Hiratsuka, ang karaniwang ibinibigay na tulong para sa gastusin sa pag-iisamin ng
kalusugan ng mga nagdadalang-tao ay nagkakahalaga ng ¥51000 ay madadagdagan na at
magiging ¥65000. Ang mga nagdadalang tao na may MATERNITY BOOK mula Abril1 at mga
manganganak ng mula Mayo 1 pataas na may Maternity Book na hanggang katapusan ng
Marso ay padadalhan ng Coupon para sa karagdagang tulong sa gastusing medikal.
LEKTURA NG DEPARTAMENTO NG BOMBERO PARASA EMERHENSIYANG PAGSAGIP
しょうぼうしょ
きゅうきゅうこうしゅうかい
し
消 防 署 の 救 急 講 習 会 のお知らせ
Tuwing ika -9 na araw ng bawat buwan, mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng
tanghali sa 2nd Floor ng FIRE DEPARTMENT ng Hirtasuka City ay mayroong libreng lektura
ukol sa “EMERHENSIYANG PAGSAGIP”. Ang pagsasagawa ng CARDIO PULMONARY
RESUSCITATION (CPR) at AUTOMATED EXTERNAL DEFIBRILLATOR at paggamit nito. Para sa
iba pang katanungan at pag-aapply ay makipag-alam sa Telephone No. 0463-21-97-29
(21-97-29) .
PAGPAPAALAM UKOL HIRATSUKA HOTMAIL
ひらつか
し
ホットメール平塚のお知らせ
Dito sa Hiratsuka City ay mayroong serbisyong pagpapadala ng mail sa nagparehistro
ng kanilang mobile phone number o computer. Ang mail na ito ay para sa pagpapaalam
ng mga emerhensiyang impormasyon ukol sa impormasyon sa pamumuhay, lindol at iba.
Para sa paraan ng pagpaparehistro kay pumunta lamang sa WEB site ng Hirtasuka City.
Para sa iba pang katanungan ay makipag-alam sa INFORMATION POLICY DIVISION ng
Hiratsuka City. Telephone No. 0463-21-87-92 (21-87-92).