Won by One Copyright © 2013 by Global Leadership Center All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means - electronic, mechanical, photocopy, recording, or any other, without the prior permission of GLC. PANIMULA Natatandaan mo ba nung nagkaroon ka ng paghanga sa isang tanging indibidwal at ninais mo siyang makilala ng lubusan? Marahil, yon ang panahon na ika’y “umibig” at nagisip na siya na ang itinakda para sa iyo. At sa pagkakaroon mo ng mas malalim at seryosong pakikipagrelasyon, naranasan mo na kailangan mong maggugol ng panahon at lakas, at magsakripisyo upang lalong makilala ang iyong itinatangi at maipadama na mahal mo siya. Alam mo ba na may isang Tao na naggugol ng panahon at lakas at piniling danasin ang matinding sakripisyo upang patunayan ang pag-ibig Niya sa iyo ? Minamahal ka Niya kahit hindi mo ito namamalayan. Siya ay si Hesus – ang pinaka kahanga-hangang Tao na nabuhay dito sa mundo. Kanyang ipinahayag na Siya ay Anak ng Diyos at Kanyang pinatunayan ng Siya ay nabuhay na muli mula sa kamatayan. Bilyong tao ang nakaranas ng pagbabagong buhay dahil sa pakakaroon nila ng relasyon sa Kanya. Marahil ay kilala mo na si Hesus, o may kaunti ka ng nalalaman tungkol sa Kanya. Subalit marami pang mahahalagang bagay ang dapat malaman patungkol kay Hesus. At sa buhay natin, may dapat tayong higit na pahalagahan kaysa sa mga bagay na karaniwan nating pinagtutuunan ng pansin at panahon. Ang aklat na “Won by One” Aklat 1 ay unang bahagi ng labindalawang (12) serye ng pag-aaral. Ang anim (6) na sesyon nito ay gagabay sa iyo upang lalo mong makilala si Hesukristo. Ang mga simpleng aralin dito na kinuha sa Biblia ay madali mong mauunawaan at magagamit sa iyong buhay. Kaya, halina at iyong tuklasin ang tungkol sa pagkakaroon ng isang relasyon na magpapabago ng iyong buhay – buhay para sa magpasawalang hanggan. Talaan ng Nilalaman Panimula Unang Sesyon: Ang Tanging Katotohanan........................7 Ang Ebanghelyo Ikalawang Sesyon: Ang Tanging Daan.............................17 Ang Tagapagligtas Ikatlong Sesyon: Ang Tanging Patunay ...........................25 Ang Bagong Buhay Kay Kristo Ikaapat na Sesyon: Ang Isang Pangako .........................33 Ang Katiyakan ng Kaligtasan Ikalimang Sesyon: Ang Tanging Pinagmumulan.............43 Ang Banal na Espiritu Ika-anim na Sesyon: Ang Isang Mithiin ...........................51 Ang Paglago ng Ating Relasyon Kay Kristo Ang Kasunod......................................................................61 Mga Iminumungkahing Sagot............................................63 6 won by one UNANG SESYON ANG TANGING KATOTOHANAN Ang Ebanghelyo Ano ang ebanghelyo? Ang ibig sabihin ng salitang “ebanghelyo” sa salitang Griyego ay “mabuting balita.” Ano ang “mabuting balita”? Ang kasagutan dito at sa halos lahat ng katanungan na may kinalaman sa pananampalatayang Kristiyano ay matatagpuan sa Biblia, ang Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia at ng mga aralin sa aklat na ito, ating tutuklasin kung gaano kahalaga si Hesus sa ating buhay – kung gaano Niya tayo kamahal at kung papaano Niya mababago ang ating buhay. 7 Ang Mabuting Balita: Nais ng Diyos na magkaroon ng personal na relasyon sa iyo. Mahal Tayo ng Diyos Basahin: 1 Juan 4:8-9 1. Ano ang sinasabi ng talata tungkol sa katangian ng Diyos ? Basahin: Juan 10:10 2. Sa iyong sariling pangungusap, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ni Hesus na, “Siya ay naparito upang tayo ay bigyan ng masaganang buhay”? Ang Diyos na Mapagmahal ay Diyos din na Banal Basahin: 1 Pedro 1:15 3. Paano inilarawan ang Diyos sa talatang ito? Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay Banal? 8 won by one UNANG SESYON Basahin: Awit 5:4-6 4. Ano ang pagtingin ng Diyos sa kasalanan? Makatatayo ba ang isang makasalanan sa harapan ng Panginoon? Nakita natin sa mga talata na ang Diyos ay mapagmahal at banal. Sa mga susunod pang talata ay makikita natin kung papaanong ang dalawang anyo ng kalikasan ng Diyos na ito ay may kaugnayan sa mabuting balita at ganun din sa ating buhay. Ang Ating Problema: Tayo ay Makasalanan at Sumasalungat sa Kalooban ng Diyos Basahin: Roma 3:10-16, 23 5. Paano tayo inilarawan ng talata? Basahin: Isaias 53:6 6. Paano tayo inilarawan sa talatang ito nuong hindi pa tayo sumasampalataya kay Hesus? 9 Basahin: Santiago 2:10 7. May kaibahan ba ang hindi pagsunod sa isang kautusan sa hindi pagsunod sa lahat ng kautusan? Paano makaka apekto ito sa mga taong ang palagay sa sarili ay mabuti at sila ay sumusunod sa utos ng Diyos? Basahin: Roma 6:23 8. Ano ang masamang kahihinatnan natin dahil sa ating mga ginawang kasalanan? Mayroon bang taong pwedeng magsabi na hindi siya dapat parusahan ng Diyos? Bakit o bakit hindi? Tala: Sa salitang Griyego, kung saan ang Bagong Tipan ay orihinal na isinulat, ang ibig sabihin ng kamatayan ay pagkahiwalay – ang espirituwal na kamatayan ay ang habang panahong pagkahiwalay sa piling ng Diyos. Maraming tao ang may palagay na sila ay mabuti at may paniwala na sila ay tatanggapin ng Diyos dahil dakila ang Kanyang pag-ibig. Subalit kung ihahambing natin ang ating sarili sa kabanalan ng Diyos, ang kabutihan natin ay hindi sapat. Ang ating mga kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa 10 won by one UNANG SESYON Diyos. Ito ay paghihimagsik sa Kanya. Ang kasalanan ay ang tuwirang pagpili at pagsunod sa ating sariling kagustuhan kaysa sa kagustuhan ng Diyos. Hindi ito magandang balita. Kahit na nais ng Diyos na magkaroon ng maayos na relasyon sa atin, nagiging hadlang ang ating mga kasalanan at paghihimagsik sa Kanya. Mayroon bang solusyon sa problema nating ito? Ipinadala ng Diyos si Hesus Upang Bayaran ang Ating Mga Kasalanan Basahin: Roma 5:8 9. Ayon sa talata, ano ang ginawa ng Diyos? Basahin: Hebreo 10:14, 17 10. Ayon sa talata, ano ang ginanap ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa krus? 11 ANG SAKRIPISYO NG KANYANG ANAK Ito ay kuwento ng isang opereytor ng tulay kung saan ang kanyang trabaho ay ibaba ang tulay sa bawat araw bago dumating ang pampasaherong tren, at muli itong itaas para naman makadaan ang barko sa ilog sa ibaba. Sa araw-araw, tuwing ibinababa niya ang tulay ay nakikita niya ang ngiti at kaway ng mga pasahero habang dumadaan ang mga ito. Isang araw isinama niya ang kanyang anak sa trabaho. Ipinakita niya rito kung paano ibinababa at itinataas ang tulay, ang magandang tanawin sa ilog, at ang mga barkong dumadaan dito. Habang naghahanda siya para ibaba ang tulay, nakarinig siya ng nakakasindak na ingay --- nahulog ang anak niya sa enggranahe ng tulay at hindi niya magawang umalis doon! Isang mabigat na pagpapasya ang kinakaharap niya dahil sa paparating na ang tren. Maari niyang puntahan at tulungang makaalis ang anak, kahit na alam nyang may daan-daang tao ang mamamatay dahil babangga ito sa nakataas na tulay; maaari din namang ituloy niya ang pagbaba sa tulay na ang kapalit ay ang buhay ng kaniyang anak. Habang tumutulo ang kanyang luha, pinili niyang ibaba ang tulay ---- isinakripisyo niya ang buhay ng kanyang anak mailigtas lamang ang buhay ng mga nakasakay sa tren. Habang iniisip mo ang istoryang ito basahin mo ang Juan 3:16. 11. Ano ang sinasabi sa talata na ginawa ng Diyos sa iyo? 12. Ano ang dapat nating gawin upang maranasan ang sinasabing pagliligtas na ipinagkakaloob ni Hesus? 12 won by one UNANG SESYON ISA PANG HATOL NG KAMATAYAN Sa Estados Unidos noong taong 1840, may isang taong nahatulan ng kamatayan. Ilang araw bago maipatupad ang hatol, habang siya ay naghihintay sa kaniyang selda, may dumating na mensahero. Dala niya ang isang kautusan (presidential pardon) na may lagda ni Presidente Garfield. Nagulat ang mga opisyal ng kulungan dahil ito’y tinanggihan niya. Dinala ng mga opisyal ang usapin sa Kataas-taasang Hukuman, kung saan sinasabi ng mga hukom na walang bisa ang kautusan kung hindi ito tatanggapin ng bilanggo. Ang bilanggo ay ibinitay dahil tinanggihan nya ang kapatawaran na ipinagkaloob sa kaniya. Mukhang hindi kapani-paniwala, subalit marami sa mga tao ngayon ang hindi tinatanggap ang kapatawarang handog ni Hesus. • Ang ilan ay matuwid ang tingin sa sarili kaya hindi nila nakikita na kailangan nila ang kapatawaran ng Diyos. • Iniisip naman ng iba na kailangan muna na maging katanggap-tanggap sila bago tanggapin ang kapatawaran ng Diyos. • Iniisip naman ng iba na mayroon pang ibang paraan para mapatawad ng Diyos, at ipinagpipilitan ang mga sarili nilang pamamaraan. 13 Lahat tayo ay pwedeng pumili kung tatanggapin ba natin o tatanggihan ang alok na handog ni Hesus sa atin. Nakapagpasya ka na ba na tanggapin ang alay Niyang kapatawaran para sa iyong mga kasalanan? Kung hindi pa, maari mo itong tanggapin ngayon ng may pananampalataya. Isang paraan para ipakita ang ating pananampalataya kay Hesukristo ay sa pamamagitan ng panalangin. Ang pananalangin ay pakikipag-usap sa Diyos at pagsasabi sa Kanya ng nilalaman ng ating puso. Maari mong buksan ang puso mo sa Diyos ngayon at tanggapin ang alay Niyang kaligtasan sa pamamagitan ng simpleng panalangin, tulad nito: Panalangin: Panginoong Hesus, maraming salamat po sa Iyong pagmamahal. Patawarin Nyo po ako sa aking mga kasalanan. Salamat po na Kayo ay namatay sa krus dahil sa aking mga kasalanan. Sa tulong Ninyo, tatalikuran ko na ang aking mga kasalanan. Ngayon, nagtitiwala ako na Ikaw ang aking Diyos at Tagapagligtas. Tinatanggap Kita sa aking puso. Salamat sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan at pagpasok sa aking puso. Tinatanggap ko ang handog Mo na buhay na walang hanggan. Salamat dahil isang araw, makakapiling ko Kayo sa inyong kaharian sa langit. Simula sa araw na ito, susundin ko na ang Inyong kalooban. Amen. 14 won by one UNANG SESYON APLIKASYON: Kung iyong napagpasiyahan na tanggapin si Hesus sa iyong puso bilang Panginoon at Tagapagligtas, basahin ang nakasulat at lagdaan ang ispasiyo sa ibaba, bilang paalala ng iyong pangako sa Diyos ngayon: “Ngayon, Panginoong Hesus, nagtitiwala ako na Ikaw ang aking Diyos at Tagapagligtas. Tinatanggap ko ang Iyong handog na buhay na walang hanggan. Tulungan po Ninyo ako na mahalin at sundin Kayo habang akoy nabubuhay.” LAGDA:____________________________________ PETSA:____________________________________ 15 16 won by one IKALAWANG SESYON ANG TANGING DAAN Ang Tagapagligtas Ilan nga ba ang paraan upang ang tao ay magtamo ng kaligtasan? Maraming pananaw at palagay kung papaano matatamo ng isang tao ang kaligtasan at ang katiyakan ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos. Karamihan sa mga pananaw na ito ay tila makatotohanan. Subalit kung lubos na susuriin, makikita natin na ang lahat ng mga ito ay salungat sa kaparaanang ipinahayag ng Diyos kung papaano ang isang tao ay maliligtas. Ang Biblia ang tanging makapagbibigay sa atin ng kasagutan kung papaano matatamo ng isang tao ang tiyak na kaligtasan. Ang Biblia ang magtutuwid sa ating mga maling pananaw at palagay tungkol sa kaligtasan. Anu-ano ba ang mga karaniwang nasa isip o damdamin natin patungkol sa kaligtasan? 17 Mga Hadlang Sa Kaligtasan I. “Ililigtas ako ng Diyos, kasi hindi naman ako ganoon kasama.” Marahil nadinig mo na ang katuwirang ito, “Hindi naman siguro pahihintulutan ng Diyos na mapunta siya sa impyerno sapagkat mabuting tao naman siya.” O kaya ay, “Hindi nga ako perpektong tao, pero mas mabuti naman ako kaysa sa kanya, kahit na mas madalas pa siyang magsimba kaysa sa akin.” Sa mga pananaw na ito, ang batayan ng isang tao upang maligtas ay ang pagiging mabuti nila kumpara sa ibang taong kakilala at nakikita nila. Iniisip natin na kung higit na mabuti tayo kumpara sa iba, mas malamang na mapupunta tayo sa langit. Subalit hindi ito ang tinuturo ng Biblia. Basahin: Roma 3:10-12 1. Ano ang sinasabi ng mga talata patungkol sa kabutihan ng tao? Wala naman marahil tututol na may mga taong higit na mas mabuti kaysa sa iba. Subalit ang panuntunan ng Diyos sa paghatol ay iba sa panuntunan ng tao. Basahin: Isaias 59:12 2. Sa talata, ano ang inamin ni propeta Isaias sa harapan ng Diyos? 18 won by one IKALAWANG SESYON Basahin: Santiago 2:10 3. Ayon sa talata, ano ang magiging epekto kung susuwayin natin ang kahit isa lang sa mga kautusan ng Diyos? Ang mga talatang ito ay nagsasabi na ang pagiging mas mabuti kaysa sa ibang tao ay hindi sapat upang tayo ay maligtas. Kung kabutihan lamang ang magiging sukatan ng isang tao upang maligtas, nararapat na tayo ay maging banal katulad ng pagiging banal ng Diyos. II. “Ililigtas ako ng Diyos, kasi hindi naman ako ganoon kasama.” Ang Pariseo at ang taga-singil ng buwis (Lukas 18:9-14) Maraming Judio, kabilang na si Pablo na nakasama ni Hesus ang may ganitong pananaw tungkol sa kaligtasan. Subalit ang pananaw na ito ni Pablo ay biglang nabago ng siya ay naging mananampalataya ni Hesus. Basahin: Galatia 2:15-16 4. Sa paningin ng mga kaibigan at kakilala ni Pablo, siya ba ay relihiyoso o makasalanang tao? 5. Matatamo ba natin ang kapatawaran ng Diyos sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pagiging relihiyoso (pagsunod sa kautusan)? 19 Paano natamo ni Pablo ang kapatawaran ng Diyos? III. “Ililigtas ako ng Diyos kung marami akong ginagawang kabutihan …” Akala ng maraming tao, tayo ay hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng pagbilang Niya sa ating mga mabuting ginawa laban sa ating mga masamang ginawa. Subalit ayon sa Biblia, hindi ganito ang panuntunan ng Diyos sa paghatol sa atin. Basahin: Efeso 2:8-10 6. Ayon sa talata, para saan daw ang paggawa ng mabuti? Basahin: Roma 6:23 7. Ano ang kagandahang-loob ng Diyos? Paano mo tatanggapin ang isang kaloob o regalo? 20 won by one IKALAWANG SESYON Basahin: Tito 3:4-5 8. Ayon sa talata, ano ang naging batayan ng Diyos upang tayo ay maligtas? Ano ang kaugnayan ng paggawa ng mabuti sa ating pagkakaroon ng kaligtasan? Kung ang pagbabatayan ay ang mga talata sa itaas, ano tamang pormula para sa kaligtasan ng tao? a. PANANAMPALATAYA KAY HESUS + MABUTING GAWA = KALIGTASAN MABUTING GAWA (pagkakawang gawa, pananalangin, paggawa ng mabuti laban sa kasalan) b. PANANAMPALATAYA KAY HESUS + ANG SAMPUNG UTOS = KALIGTASAN c. PANANAMPALATAYA KAY HESUS + WALA = KALIGTASAN KALIGTASAN na magbubunga ng MABUTING GAWA Ang tamang pormula ay C. 9. Ano ngayon ang masasabi mo sa pananaw ng tao na tayo ay ililigtas ng Diyos dahil marami tayong nagawang mabuti? 21 Malinaw na ayon sa Biblia, ang kaligtasan ay hindi makakamit o matatamo dahil sa mabuting gawa. Hindi kailanman makasasapat ang ating kabutihan sa harapan ng Diyos dahil ang Diyos ay matuwid at banal, samantalang tayo ay makasalanan. Kapag naunawaan natin ang katotohanang ito, masasabi natin sa ating sarili, “Imposible akong maligtas dahil napakasama ko.” IV. “ Hindi na ako mapapatawad ng Diyos... sobrang sama ko.” Marahil ito ngayon ang iyong naiisip at nararamdaman. Ang kaisipang ito ay batay sa pananaw na “ililigtas lamang ng Diyos ang taong mabubuti”. Subalit ayon sa talatang ating nabasa, may katotohanan ba ang pananaw na ito? Ang magnanakaw sa krus Basahin: Lukas 23:39-43 Ano ang pagkatao ng dalawang nakapako sa krus na kasama ni Hesus? Mabubuting tao ba sila? Ano ang ipinangako ni Hesus sa kriminal na humingi ng awa sa Kanya? May ginawa ba ang taong ito upang maging karapatdapat na iligtas ni Hesus? 22 won by one IKALAWANG SESYON Ano ang mga pangako ng Diyos na maaari mong panghawakan sa mga talatang ito? Basahin: Awit 103: 8-13 Nailagak mo na ba ang iyong pananampalataya kay Hesus na Siya lamang ang tanging makapagliligtas sa iyo? Kung hindi pa, nais mo bang gawin ito ngayon? Mula sa iyong puso, manalangin ka ng may pananampalataya. Anyayahan mo si Hesus na manahan sa iyong puso at ipagkatiwala at isuko mo sa Kanya ang iyong buhay. Bilang gabay, tingnan mo ang panalangin sa huling panina ng unang sesyon. Kung nagawa mo na ito, pasalamatan mo ang Diyos dahil sa kaligtasang kaloob Niya sa iyo, at sa pagbibigay Niya sa iyo ng isang bagong buhay. 23 APLIKASYON: 1. Sinasabi ng Biblia sa 2 Corinto 5:17, na ang sino mang nakipag-isa na kay Kristo ay isa ng bagong nilalang. Ano ang inaasahan mong pagbabago sa iyong buhay ngayong si Hesus ay nananahan na sa iyong puso? 2. Anong mga hakbang ang maari mong gawin upang makatulong sa pagbabagong nais ng Diyos na gawin sa iyong buhay? 3. Sa linggong ito, anong mabubuting bagay ang sa palagay mo ay nais ng Diyos na gawin mo upang maging patotoo sa iba ang iyong bagong buhay kay Kristo? 24 won by one IKATLONG SESYON ANG TANGING PATUNAY Ang Bagong Buhay Kay Kristo Paano ko malalaman kung ako ay may buhay na walang hanggan ? Sa una at ikalawang sesyon, tayo ay naliwanagan mula sa Biblia na ang kapatawaran ng Diyos sa kasalanan ay di natin makakamit sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti, pagiging relihiyoso, o kahit pa sa pagsunod sa iba’t-ibang turo ng ating relihiyon. Ayon sa Biblia, dahil sa biyaya ng Diyos tayo ay naligtas sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa sakripisyo ni Hesukristo sa krus ng kalbaryo. Hindi tayo naligtas dahil tayo ay mabuti kundi dahil ang Diyos ay mabuti at Siya ang nagbigay ng kapamaraanan upang tayo ay maligtas. 25 Para sa maraming tao, ito’y di kapani-paniwala. Talagang di tayo karapatdapat maligtas! Subalit, talagang ang pananampalataya lamang kay Hesus ang tanging kailangan at dapat gawin upang tayo ay mapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan at magkaroon ng tiyak na kaligtasan. Sa Mateo 7:21, sinabi ni Hesus na asa araw ng paghuhukom, hindi lahat ng tumatawag sa Kanya ng “Panginoon, Panginoon” ay makakapasok sa kaharian ng langit. Papaano tayo makakatiyak na tayo ay ligtas? Maaari nating malaman! Basahin: 1 Juan 5:11-13 1. Ayon sa mga talata, ano ang pangako ng Diyos? Sino lang ang maaring magkaroon ng buhay na walang hanggan? Maaari ka bang makatiyak na ikaw ay may buhay na walang hanggan? Paano ka makatitiyak? Ang magpapatunay ng ating bagong buhay kay Kristo Ang isang katunayan na tayo ay may totoong relasyon kay Kristo ay ang pakakaroon ng pagbabago sa ating buhay. Ayon sa Biblia, maraming kapamaraanan kung papaano mo mapapatunayan na ang Diyos ay sumasaiyo at may pagkilos sa iyong buhay. 26 won by one IKATLONG SESYON 2. Ano ang sabi sa 2 Corinto 5:17 kung si Kristo ay nananahan na sa ating puso? Ngayong tinanggap mo na si Hesus sa iyong puso, ano ang inaasahan mong mangyayari sa iyong buhay? Basahin: Efeso 2:8-10 3. Ano ang kaugnayan ng mabuting gawa sa pananampalataya kay Kristo bilang tagapagligtas? Naligtas ba tayo dahil sa ating mabuting gawa? Kung hindi bakit kailangan nating gumawa ng mabuti? Dalawang palatandaan ng bagong buhay: Pagsunod at Pagmamahal Basahin: 1 Juan 2:3-6 4. Papaano tayo nakatitiyak na tunay na kakilala natin ang Diyos? Ayon kay Juan, ano ang palatandaan na ang isang tao ay tunay na mananampalataya kay Kristo? Basahin: 1 Juan 2:7-11 5. Papaano tayo dapat makitungo sa ating kapwa? Gaano ito kahalaga sa ating patotoo bilang mananampalataya ni Kristo? 27 Basahin: Tito 2:11-12 6. Paano tayo tinutulungan ng grasya ng Diyos sa ating pamumuhay? Ayon sa mga talatang ito, tiyak na may pagbabagong mangyayari sa ating buhay. Ito ay bunga ng kapangyarihan ng Diyos na kumilos sa atin. Ang tunay na sumampalataya kay Kristo ay magkakaroon ng nasaing maging masunurin sa kalooban ng Diyos at ng nasaing magmahal sa kanyang kapwa ng ibayong pagmamahal na di pa nila nagawa at naranasan noon. Bagama’t tayo ay nagkakasala pa rin habang nandito sa mundo, ang sinomang nakipag-isa na kay Kristo ay hindi na magnanais na magpatuloy sa paggawa ng kasalanan na katulad ng dati niyang buhay ng hindi pa siya sumasampalataya. Kilalanin ang Pastol Isa sa mga pinakamabisang pagsasalarawan ng katiyakan ng ating relasyon kay Kristo ay ang kuwento ng “Mabuting Pastol” sa Biblia. Basahin: Juan 10:11-14; 27-30 7. Ano ang pagkakaiba ng mabuting pastol at ng isang upahang taga pag-alaga? Ano ang gagawin ng isang upahang taga pag-alaga kung may dumating na panganib? Ano naman ang gagawin ng mabuting pastol? 28 won by one IKATLONG SESYON 8. Ano ang ginawa ni Hesus para sa Kanyang mga tupa? 9. Anong uring relasyon mayroon ang Mabuting Pastol sa Kanyang mga tupa? Ano ang ipinagkaloob ni Hesus sa Kanyang mga tupa? 10. Ano ang katiyakan na hindi na tayo kailanman maaagaw sa mga kamay ng Diyos? Napapansin at nararanasan mo na ba ang pagkilos ng Diyos sa iyong buhay? Kung gayon, iyan ang katiyakan na nagsisimula ka na sa iyong walang hanggang relasyon kay Hesus, ang ating Mabuting Pastol! Maglaan ka ng ilang sandali sa pananalangin at pasasalamat sa Diyos dahil sa mga pagbabagong ginawa Niya sa iyong buhay. Hilingin mo sa Diyos na tulungan ka Niyang magtiwala sa Kanya upang maisakatuparan Niya ang Kanyang layunin sa iyong buhay. 29 Ilista ang mga pagbabagong nakita mo sa iyong sarili: Halimbawa: Pagmamahal sa kapwa, Paghahangad na makilala pa ang Diyos 30 won by one IKATLONG SESYON APLIKASYON: 1. Ano ang magandang naidulot sa iyo ng pagbabago ng iyong ugali? Sa papaanong paraan naging isang matinding hamon ito para sa iyo? 2. Papaano mo ipinapakita sa iyong pamumuhay na ikaw ay totoong nagbago na? 31 32 won by one IKAAPAT NA SESYON ANG ISANG PANGAKO Ang Katiyakan ng Kaligtasan Sa ating mga nakaraang aralin, natutunan natin na maari tayong magkaroon ng katiyakan sa permanenteng relasyon natin sa Diyos. Subalit may mga panahon na iba ang ating nararamdaman dahil hindi tayo nakakasunod sa Kanyang mga utos. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pangamba o takot na ito? 33 Ipinangako Niya na kalianman ay hindi Niya tayo iiwan Basahin: Hebreo 13:5-6 1. Ano ang pangako ng Diyos na kailanman hindi Niya gagawin? 2. Ano ang kahulugan nito sa ating relasyon kay Hesus? Paano kung tayo ay lumabag sa Kanyang mga utos? Mahalagang malaman natin na ipinangako ni Hesus na hindi Niya tayo KAILANMAN iiwan kapag mayroon na tayong relasyon sa Kanya. Ngunit paano kung tayo ay nagkasala o sumuway sa Kanyang mga utos? Ano ang mangyayari sa ating relastyon sa Kanya? Kung tinanggap mo si Kristo bilang iyong tanging Tagapagligtas, ikaw ay isa ng alagad ni Kristo – isang Kristyano. Ikaw ay naging anak na ng Diyos. Sinasabi ng Juan 1:12-13: 12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos. 13 Sila nga ay naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos. 34 won by one IKAAPAT NA SESYON Ang ating relasyon sa Diyos ay permanente na, at di na ito mawawala pa. Tulad din sa isang pamilya, nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at ito ay nakakaapekto sa ating pakikitungo sa isa’t-isa. Sa Biblia ay may kwento si Hesus na naglalarawan ng ating relasyon sa Diyos: Ang talinghaga ng Alibughang Anak “ Prodigal Son “ Basahin: Lukas 15:11-24 3. Ano ang relasyon ng dalawang pangunahing tauhan sa kuwento? Sa mga nangyari may nabago ba sa relasyon nila? Nawala ba ang kanilang relasyon bilang ama at anak? 4. Ano ang pagbabago sa buhay na naranasan ng anak ng lumayas siya sa bahay ng kanyang ama upang lustayin ang kanyang mana? Ano ang nangyari ng siya ay bumalik sa bahay ng kanyang ama? 35 Ikaw at ang Alibughang Anak Ang kwentong ito ay naglalarawan ng ating relasyon sa Diyos. Tayo ay naging mga anak ng Diyos dahil tinanggap natin si Kristo sa ating puso (Juan 1:12). Nangako Siya na kailanman hindi Niya tayo iiwan o pababayaan (Hebreo 13:5). Subalit tayo ay madalas na nagkakasala o nakakagawa ng kasalanan. Ang ibig sabihin ba nito ay mawawala na ang ating pagiging anak ng Diyos? Sa kwentong ito ay magandang naisalarawan ang sagot sa tanong na iyon. Kahit binigyan niya ng kahihiyan ang ama at nilustay ang kanyang mana, ang alibughang anak ay mananatili pa ring anak ng kanyang ama. Ganoon din sa atin, kahit na tayo ay nagkakasala, anak pa rin tayo ng Diyos. Ang ating relasyon sa Diyos ay hindi na mawawala. Hindi na mawawala pa ang relasyon natin sa Diyos, ngunit nagkakaroon ng pagbabago. Nawawala ang kagalakan sa ating puso. Nakakaramdam tayo ng lungkot at hiya dahil sa mga nagawa nating kasalanan. Pakiramdam natin ay ang layulayo ng Diyos sa atin. Subalit ang Diyos na ating Ama ay hindi lumalayo. Siya ay laging handang magpatawad. Siya ay laging naghihintay sa ating pagsisisi at pagbabalik loob sa Kanya. Nais Niyang ibalik ang kagalakan sa ating mga puso. Kaya, kailangan na tayo ay matutong magpakumbaba sa harap ng Diyos. Kilalanin at tanggapin natin ang ating mga pagkakasala, humingi ng tawag sa kanya at talikuran na ang ating mga maling ginagawa. Pagpapanumbalik ng ating magandang relasyon sa Diyos Paano natin maibabalik ang ating magandang relasyon sa Diyos kung tayo ay nagkasala? 36 won by one IKAAPAT NA SESYON Basahin: 1 Juan 1:8-9 5. Ano ang dapat nating gawin kung tayo ay nagkasala sa Diyos? Ayon sa talata, ano ang pangako ng Diyos kung ating ipapahayag at aaminin ang ating nagawang kasalanan sa Kanya? Basahin: 1 Timoteo 2:5 6. Sino ang tanging taga-pamagitan ng tao sa Diyos (ang tagapamagitan ay isang taong gumigitna sa pagitan ng dalawang panig upang magkaroon ng pagkakasundo)? Ano ang nais ipahiwatig ng talata tungkol sa paghahayag o pagtatapat ng kasalanan (kumpisal)? Basahin: Hebreo 10:19-22 7. Dahil si Hesus ang nagbukas daan para tayo ay makadulog at makalapit ng direkta sa Diyos, ano ang ating dapat maging saloobin kung tayo ay lalapit sa Diyos matapos na tayo ay humingi ng tawad sa ating mga kasalanan? Sinasabi ng Biblia na maaari nating maibalik ang ating magandang relasyon kay Hesus sa pamamagitan ng direktang paglapit sa Diyos at paghingi ng tawad at sa gayon ay makapagpatuloy sa paglilingkod sa Kanya. Hindi na natin kailangan pa ng ibang tagapamagitan upang ipagtapat o ikumpisal ang ating mga kasalanan sa Diyos. May karapatan na tayong lumapit sa Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo, ang ating tanging tagapamagitan. 37 Ngunit ang ibig sabihin ba ay pwede na tayong magkasala ano mang oras na ibigin natin, dahil ganito lang pala kadaling magpatawad ang Diyos? Maaaring magkaroon tayo ng maling pang-unawa sa bagay na ito, na dahil ang Diyos ay mapagpatawad, maaari na tayong gumawa ng kasalanan o magpatuloy sa paggawa ng kasalanan at hindi na dapat mag-alala sa parusa ng Diyos basta tayo’y magsisi lang. Ngunit hindi ito ang intinuro ng Biblia. Basahin: 1 Juan 3:6, 9-10 8. Ayon sa talatang ito, papaano dapat mamuhay ang mga anak ng Diyos? Ano ang masasabi mo sa mga tao na ang pananaw ay patatawarin pa rin sila ng Diyos kahit na nagpapatuloy sila sa pagkakasala? Basahin: Galacia 6:7-8 9. Ano ang ibig sabihin ng “inaani ng isang tao ang kanyang itinanim?” Ano ang magiging bunga ng ating pagsuway sa Diyos? At ano naman ang magiging bunga ng ating pagsunod sa Kanya? Ang mga talatang ito ay nagtuturo sa atin na may kaparusahang kaakibat ang pagsuway sa utos ng Diyos. Bagamat mahal pa rin tayo ng Diyos at pinatatawad sa ating mga kasalanan, atin pa ring mararanasan at mararamdaman ang sakit ng kalooban na dulot ng ating pagsuway sa Kanya. 38 won by one IKAAPAT NA SESYON Basahin: Hebreo 12:9-11 10. Ano ang dapat gawin ng isang ama para matulungan niya ang kanyang anak na magkaroon ng maayos na buhay sa kanyang pagtanda? Ano ang ibig sabihin ng dini-disiplina tayo ng Diyos? Ano ang hangarin ng Diyos sa pag disiplina sa atin? Sinasabi ng mga talatang ito na tayo ay makakaranas ng pagdidisiplina ng Diyos tulad ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak upang maituwid ang ating mga buhay at mahubog ang ating mga pag-uugali. Nais ng Diyos na matanggap at maranasan natin ang mga pagpapalang inihanda Niya sa mga sumusunod sa Kanyang kalooban. Pang huling salita tungkol sa katiyakan ng ating relasyon kay Kristo Minsan kahit alam na natin ang mga pangako ng Diyos na hindi Niya tayo iiwan at kinakailangan na humingi tayo ng tawad sa ating mga kasalanan upang manumbalik ang ating magandang relasyon sa Kanya, hindi pa rin payapa ang ating damdamin. Pakiramdam natin ay mayroon pa tayong dapat gawin upang mapatawad tayo ng Diyos. Tayo ay nalilinlang ng kaaway (Satanas) na hindi tayo mapapatawad ng Diyos dahil sa laki at bigat ng kasalanang ating nagawa. Ang sumunod na balangkas ay isang magandang paalala sa atin tungkol sa kaugnayan ng ating damdamin sa katotohanan ng Salita ng Diyos. 39 KATOTOHANAN PANANAMPALATAYA DAMDAMIN Ang tren ay mapapaandar kahit na wala ang pampasaherong karo sa likuran nito, at hindi pwedeng paandarin ng karo ang tren. Sa ating buhay Kristyano, hindi nakasalalay sa ating pakiramdam ang pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos. Ito ay nakasalalay sa ating pagtitiwala sa katapatan ng Diyos sa Kanyang mga pangako sa atin sa Biblia. Kung ang pakiramdam mo ay hindi ka mapapatawad ng Diyos, alalahanin mo lang ang Kanyang mga pangako sa Biblia na ang personal na relasyon natin sa Kanya ay permanente, hindi na mawawala kailanman. Ang kinakailangan lamang ay ang ating paghingi ng tawad, pagbabalik loob sa Kanya, at pagtalikod sa ating mga nagawang kasalanan. Nangako ang Diyos na tayo ay patatawarin at ibabalik ang magandang relasyon natin sa Kanya. Maglaan ng ilang sandali upang pasalamatan ang Diyos sa katiyakan ng ating kaligtasan at sa kasiguraduhan ng ating relasyon kay Kristo. 40 won by one IKAAPAT NA SESYON APLIKASYON: 1. Anong bahagi ng buhay mo sa ngayon ang masasabi mong ikaw ay may pag-aalinlangan? 2. Ngayong nalaman mo na na mayroon katiyakan ang iyong kaligtasan at kasiguraduhan ang iyong relasyon sa Diyos, ano na ngayon ang pananaw mo sa mga bagay na iyong pinag-aalinlanganan? 3. Naisuko mo na ba sa Diyos ang iyong mga alalahanin at alinlangan sa pamamagitan ng pananalangin? Maglaan ka ng panahon upang isaulo at gawing panalangin ang mga pangako ng Diyos sa Biblia, tulad ng sa Hebreo 13:5, Awit 23:1, 4 at 6. 41 42 won by one IKALIMANG SESYON ANG TANGING PINAGMUMULAN Ang Banal na Espiritu Paano ako mamumuhay ng nagbibigay karangalan sa Diyos? Natutunan natin sa ikaapat na sesyon na permanente ang relasyon natin sa Diyos. Kahit na paminsan-minsa’y naliligaw tayo ng landas hindi pa rin mawawala ang relasyon natin sa Diyos. Muling maibabalik ang kagalakan ng ating bagong buhay kay Kristo sa pamamagitan ng pagsisisi sa ating mga kasalanan at pagbabalik loob sa Diyos. Subalit mas mabuti kung patuloy nating mapagtatagumpayan ang kasalanan. Paano tayo patuloy na mamumuhay ng kalugod-lugod sa Diyos? Matututunan natin sa araling it ang ilang mahahalagang prinsipyo na matutulungan kang lumago sa pagsunod kay Kristo. 43 Paano magtatagumpay Magiging kalugod-lugod tayo sa Diyos kung patuloy nating mapagtatagumpayan ang tukso at matututo tayong maging laging masunurin kay Hesus. Itinuturo ng Biblia ang tatlong pangunahing pinagmumulan ng tukso. Ang Sanlibutan Basahin: Roma 12:2 1. Paano tayo nakikiayon sa uri ng pamumuhay ng sanlibutan? Paano natin maiiwasang maki-ayon dito? Ang Pamamaraan Ng Mundo Tinutukoy ni Pablo sa mga talatang ito kung paano tayo inilalayo sa Diyos ng kaisipan ng ating lipunan at kultura. Halimbawa, madalas nakikita lang natin ang ating pagkakamali kapag nahuhuli na tayo, gaya ng paglabag sa ilaw ng trapiko kung walang nagbabantay na pulis, pangongopya sa pagsusulit, o pagsisinungaling (white lie). Dahil tanggap ito sa ating lipunan (“ginagawa naman ito ng marami”) iniisip natin na ayos lang ito. Pero ayon sa Salita ng Diyos ang pagsisinungaling, pangongopya, at paglabag sa batas ay kasalanan mahuli ka man o hindi. Sabi nga sa isang awit, “minamasdan tayo ng Diyos” kahit walang sinumang nakakaalam. Maliwanag na sinasabi ng Biblia: “Bawat kilos ng tao’y tinitingnan Niya, kahit gaano kadilim ay Kanyang nakikita. Di maililihim ng tao ang taglay na sala.” (Job 34:20-21) Kailangang baguhin natin ang ating kaisipan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, Ang Biblia, upang tayo ay hindi na makiayon sa paraan at panuntunan ng mundo. 44 won by one IKALIMANG SESYON Ang Pita Ng Laman Basahin: Santiago 1:13-16 2. Ano ang pinagmumulan ng tukos? Kailan nagiging kasalanan ang isang tukso? Papaano natin ito mapagtatagumpayan? Ang Diyablo Basahin: Efeso 6:10-12 3. Sino ang ating kalaban sa ating pakikibakang espirituwal? Paano natin mapagtatagumpayan ang laban na ito? Gumamit ng tamang pamamaraan May ibinigay ang Biblia na ilang mahahalagang estratehiya na magagamit natin para makaiwas sa kasalanan: Ang Biblia at panalangin upang labanan ang sanlibutan Basahin: Awit 119:9-11 4. Ano ang inihahayag ng mga talatang ito tungkol sa bahagi ng Salita ng Diyos para maiwasan ang kasalanan? 45 Basahin: Lukas 11:1-4 5. Sa iyong palagay, bakit isinama ni Hesus ang mga salitang ito sa pagtatapos ng panalangin na Kanyang itinuro sa atin? Layuan ang pita ng laman Basahin: 2 Timoteo 2:22 6. Sitwasyon. Ano daw ang dapat nating gawin sa sitwasyon na tayo ay tinutukso? Bakit kaya hindi na lang nating subukang maging matatag sa pagharap sa tukso? Basahin: 1 Corinto 15:33-34 7. Mga Tao. Ayon sa talata, ano ang panganib sa sobrang paggugol natin ng oras kasama ang mga taong hindi sumusunod kay Kristo? Sino ang mga taong malimit mong kasama? Nakakatulong ba sila sa iyong pagiging masunurin kay Kristo? Labanan ang Diyablo Basahin: Santiago 4:7 8. Ano ang sinasabi ng mga talatang ito na dapat nating gawin kapag tayo ay tinutukso ng Diyablo? Ano daw ang mangyayari kung gagawin natin ang sinasabi ng talata? 46 won by one IKALIMANG SESYON Basahin: 1 Corinto 10:13 9. Ano ang pangako ng Diyos sa talatang ito? Pasakop sa Banal na Espiritu Maraming tao ang hindi nakauunawa kung sino ba ang Banal na Espiritu. Sinasabi nilang ito daw ay isang walang buhay na puwersa, gaya ng puwersa sa Star Wars. Sa katunayan ang Banal na Espiritu ay Diyos. Siya ang pangatlong Persona sa Tatlong Persona ng Diyos. Isa Siya sa Persona ng Pagka Diyos. Kapantay Niya ang pagiging Diyos ng Ama at ng Anak. At dahil ang Banal na Espiritu ay Diyos, alam Niya ang lahat ng bagay, Siya ay lubos na makapangyarihan, at Siya ay sumasalahat ng dako. Tinutulungan Niya tayo sa ating mga paghihirap, inaaliw, at itinuturo Niya ang daan tungo sa katotohanan. At higit sa lahat, Siya’y nananahan sa atin at binibigyan Niya tayo ng kapangyarihang makasunod kay Kristo. Sinasabi na imposibleng mamuhay bilang Kristiyano; isa itong panunuya sa Kristiyanismo. Pero dahil sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nananahan sa atin, kakayanin nating sumunod sa Kanya. Nagagawa ng Banal na Espiritu na maging posible ang mga bagay na imposible. Pasakop Sa Banal Na Espiritu Sa Lahat Ng Panahon Basahin: Galacia 5:16 10. Ano ang resulta ng pagpapasakop sa Banal na Espiritu? 47 Basahin: Roma 8:5-6 11. Ano ang kaibahan ng taong nagpapasakop sa Banal na Espiritu sa taong nagpapasakop pa sa kaniyang likas na makasalanang pagkatao? Basahin: Efeso 5:18 12. Ano ang inuutos ng talatang ito na gawin natin? Pupuspusin ka ba ng Diyos ng Banal na Espiritu kung hihilingin mo ito sa Kanya? Ano’ng ibig sabihin ng “Mapuspos ng Banal na Espiritu”? Sa Efeso 5:18, pinaghambing ni Pablo ang pagiging puspos ng Banal na Espiritu laban sa paglalasing. Ang mga taong lasing ay walang kakayahang kontrolin ang kanilang kilos. Kung palalakarin mo sila ng diretso hindi nila makakaya. Nasa impluwensiya sila ng alak na nainom nila. Sa isang katuturan, ang isang Kristiyanong puspos ng Banal na Espiritu ay nasa impluwensya ng kapangyarihan ng Diyos. Ang dating normal na pamumuhay ay binago na. Tayo ay binigyan ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan upang masunod natin ang nais ng Diyos at hindi ang nais natin. 48 won by one IKALIMANG SESYON APLIKASYON: Sa mga sandaling ito, hilingin mo sa Diyos na mapuspos ka ng Kanyang Banal na Espiritu, upang makita mo ang simula ng iyong tagumpay laban sa kasalanan. Una, aminin mo ang lahat ng kasalanang nagawa mo sa Diyos. Angkinin mo ang pangako Niya na sinabi sa 1 Juan 1:9: “Kung ipinahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan, sapagkat Siya ay matuwid.” Ayon sa ipinag-uutos Niya sa iyo sa Efeso 5:18, hilingin mo sa Kanya na puspusin ka Niya ng Banal na Espiritu, upang makasunod ka at mabigyang lugod mo ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihang kumikilos sa iyo at hindi mula sa iyong sariling lakas. Sabihin mo sa Kanya na taos puso mong ninanais na Siya ang mamahala sa buhay mo at hilingin mo sa banal na Espiritu na bigyan ka ng kalakasan na mamuhay para sa Kanya lamang sa bawat sandali ng iyong buhay. 49 50 won by one IKA-ANIM NA SESYON ANG ISANG MITHIIN Ang Paglago ng Ating Relasyon Kay Kristo Paano ako lalago sa aking relasyon sa Diyos? Kung naranasan mo na ang “ umibig” ay alam mo ang pakiramdam ng pagkakaroon ng matinding nasain upang makilala ng mas malalim ang iyong minamahal. Ang mga may asawa na ay higit na nakaaalam na ang pagpasok sa relasyon at ang pagpapalago ng iyong ugnayan sa isa’t-isa ay dalawang magkaibang bagay. 51 Paglago sa yong relasyon kay Kristo Nang pumasok ka sa iyong personal na relasyon sa Diyos , ang yong lakbayin na makilala Siya ng malaliman ay nagsimula na. Kailangan na magpatuloy ka sa iyong paglago sa iyong relasyon kay Hesukristo. Ang paglago ng relasyon sa kapwa o sa Panginoon ay maihahalintulad sa paglago ng mga halaman sa isang hardin. Ang Talinghaga ng Apat na Uri ng Lupa Katulad ng isang malusog na halaman na lumalago dahil sa tamang pag bungkal at tamang pag-aalaga ang ating pakikipagrelasyon kay Kristo. Isang pagsasalarawan na ginamit ni Hesus upang ipaliwanag ang iba’t-ibang paglago ng mga taong nakarinig ng ebanghelyo ay ang talinghaga ng apat na uri ng lupa. Basahin: Mateo 13:1-9; 18:23 1. Ano ang katangian ng isang matigas na lupa sa daan? Ano ang nangyari sa Salita ng Diyos nang ito’y malaglag doon? 2. Ano ang katangian ng mabatong lupa? Ano ang nangyari sa Salita ng Diyos ng ito’y malaglag doon ? 3. Ano ang katangian ng isang madawag na lupa? Ano ang nangyari sa Salita ng Diyos ng ito’y malaglag doon? 52 won by one IKA-ANIM NA SESYON 4. Ano ang katangian ng matabang lupa? Ano ang nangyari sa Salita ng Diyos ng ito’y malaglag doon? Pagpapalago ng mabuting relasyon kay Kristo Nang tinanggap mo si Kristo sa buhay mo, ito’y naging pasimula na ng iyong bagong relasyon sa Kanya. Dati, alam mo lang ang tungkol sa Diyos. Ngayon kilala mo na Siya ng personal. Ang ating relasyon kay Kristo ay patuloy na lumalago habang nag –uukol tayo ng panahon sa Kanya at sinusunod ang Kanyang mga kapa-maraanan para sa ating buhay. May mga mahahalagang elemento upang malinang ang isang malusog na pakiki-pagrelasyon kay Kristo. A IS NG BUH AY NG PAG S AM BA PANALANGIN PAGPAPATOTOO/ PAGSAKSI HESUKRISTO GS O SA KA PA NGY ARIHAN ES ANG SALITA NG DIYOS A UN D PIR PA ITU PAKIKIPAGTIPON BA NG N AL N Gulong ng Paglago 53 Isang buhay na may pagsamba Lahat ng ating ginagawa ay dapat nagbibigay ng karangalan at kaluwalhatian kay Kristo. Bagama’t ang ating pagsamba ay palagian nating naihahayag sa lingguhang pagtitipon kasama ang ibang mananampalataya, dapat nating alalahanin na kahit na saan, sa trabaho, sa tahanan, sa eskwelahan o sa palaruan man, ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nagbibigay ng karangalan kay Kristo. Si Kristo ang sentro Kung si Kristo ang sentro ng ating buhay ang gulong ay iikot ng maayos. Pagsunod sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu Ang pagsunod kay Kristo ay maihahalintulad sa “pagdaiti ng gulong sa daan”— kung saan ating nakikita na ang ating relasyon kay Kristo ay pinalalakas o sinasanay ng matinding pagsubok sa pang-araw-araw na buhay. Ang rayos na patayo ng gulong ay tumutukoy sa ating relasyon kay Kristo: Pananalangin Ang palagiang pakikipag-usap sa Panginoon ay mahalaga upang lalong lumalim ang ating relasyon sa Kanya. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pananalangin. 54 won by one IKA-ANIM NA SESYON Ang Salita ng Diyos Ang bawat relasyon ay nabuo ng pag-uusap ng dalawang panig. Kailangang makinig tayo ng mabuti sa Panginoon sa pamamagitan ng palagiang pagbabasa at pag-aaral ng Kanyang mga salita, ang Biblia, at pagsundo dito. Ang rayos na pahalang ng gulong ay tumutukoy sa ating pakikitungo sa mga tao sa ating paligid. Pakikipagtipon sa ibang mananampalataya Ang ating pananampalataya ay hindi nilayon para gamitin sa ating sariling buhay lamang. Tayo ay kailangang magpalago kasama ng ibang mananampalataya, nagmamahalan at nagpapalakasan sa pamamagitan ng palagiang pagsasama-sama o pagtitipon. Pagpapatotoo / Pagsaksi Nais ni Kristo na gamitin tayo upang ipakilala Siya sa ating pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay. Ang maging isang patotoo para kay Kristo ay bahagi ng paglago ng isang buhay Kristiyano. Ipakilala natin si Kristo sa mga tao sa ating paligid. Pagpapayaman ng ating relasyon kay Kristo Ang mga pangunahing saligan na ito ay maaaring makita sa buhay ng mga naunang Kristiyano. 55 Basahin: Mga Gawa 2:42-46 5. Ano ang ginawa ng mga naunang Kristiyano matapos na makilala nila si Kristo? Sa pamamagitan ng panalangin Basahin: 1 Juan 5:14-15 6. Ano ang sinasabi ng mga talata tungkol sa ating mga panalangin? Paano magkaroon ng “quiet time” o panahon ng pakikipagtagpo sa Diyos Ang “quiet time” ay ang oras na iyong inilalaan para sa pakikipagtagpo mo sa Panginoon araw-araw upang lumago ang iyong relasyon sa Kanya. • Pumili ka ng lugar kung saan di ka magagambala at kung saan ikaw ay makapag-iisip ng mabuti. • Pumili ka ng oras kung saan gising ang diwa mo at di mo kailangang magmadali. • Dalhin mo ang yong Biblia, panulat at kuwaderno para mapagsulatan mo ng mga kahilingan mo sa panalangin at ng mga bagay na \ itinuturo sa iyo ng Panginoon mula sa Kanyang Salita. 56 won by one IKA-ANIM NA SESYON • Sa simula ay maglaan ka ng ilang minuto sa isang araw para sa Panginoon. At sa kalaunan ay nanaisin mo ng dagdagan ang oras habang Siya ay lalo mo pang nakikilala. • Maging malikhain. Bagama’t ang mga pangunahing saligan ng isang “quiet time” ay magkakatulad (panalangin, pagpupuri, pagbasa ng Biblia, pag-awit, pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos), may iba pang kapamaraanan kung papaano ka makikipagtagpo sa Panginoon. Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ang Biblia) Basahin: Mga Awit 119:105; Joshua 1:8 7. Ano ang sinasabi ng mga talata tungkol sa Salita ng Diyos? Ito ang dalawang pangunahing saligan na maaaring makatulong sa paglago ng ating relasyon sa Diyos: ang panalangin at ang Salita ng Diyos, Ang Biblia. Ang panalangin ay ang ating pakikipag-usap sa Diyos, paghahayag sa Kanya ng lahat ng nilalaman ng ating puso, pag hingi ng tulong, gabay at ng Kanyang pangangasiwa sa ating buhay. Ang Biblia ay ang pangunahing pamamaraan ng Diyos sa pakikipagusap sa atin. Sa pamamagitan ng Biblia inihahayag ng Diyos sa atin kung sino Siya at kung papaano tayo mamumuhay para sa Kanya. Itinuturo nito kung papaano tayo makasusunod sa Kanya, sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, upang tayo ay maging kalugodlugod sa Kanya. 57 Ang halimbawa ni Hesus Basahin: Mateo 14:23 at Lukas 5:15-16 8. Paano mo ilalarawan ang buhay at ministeryo ni Hesus? Papaano Niya tinutugunan ang mga humihingi ng tulong sa Kanya? Kung si Hesus na Anak ng Diyos ay nangangailangan ng palagiang pakikipagtagpo sa Ama, lalo’t higit na kailangang gawin natin ito. Pagpapalago ng ating relasyon sa kapwa Sa pamamagitan ng pagtitipon-tipon Basahin: Hebreo 10: 24-25 9. Ano ang itinuturo ng talatang ito na dapat gawin ng mga mananampalataya? 58 won by one IKA-ANIM NA SESYON Sa pamamagitang ng pagpapatotoo / pagsaksi Basahin: Mga Gawa 1:8 10. Ano ang sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad na matatanggap nila at ano ang magyayari sa kanila? Ano ang nararapat gawin ng isang saksi o nagpapatotoo kay Kristo? Basahin: Mga Gawa 4:18-20 11. Ano ang sinabi kina Pedro at Juan na huwag nilang gagawin? Ano ang kanilang naging tugon? Basahin: Juan 4 : 39-42 12. Ano ang ginawa ng babaeng Samaritana matapos niyang makilala si Hesus? Papaano niya hinikayat ang kanyang mga kababayan? APLIKASYON: 1. Sa iba’t-ibang uri ng lupa, alin ang naglalarawan ng buhay mo ngayon? Anong uri ng lupa ang nais mong maging o makatulad? 59 2. Ikaw ba ay nakaranas na ng matinding panggigipit na nagbabawal sa iyo na magsalita sa iba tungkol kay Kristo? Ano ang naging tugon mo? Ano ang nararapat mong maging tugon? 3. Mag laan ng kahit 10 minuto sa pagbabasa ng Biblia araw-araw. Magsimula ka sa Genesis hanggang matapos mo ang buong Biblia. Maipapangako mo ba ang paglalaan ng 10 minuto bawat araw para sa maayos na pagbabasa ng Biblia (Genesis – Pahayag), makabasa ng kahit dalawang kabanata man lamang? Ako’y nangangako na babasahin ko ang buong Biblia sa pamamagitan ng paglalaan ko ng 10 minuto bawat araw, at makabasa ng kahit dalawang kabanata sa bawa’t araw. LAGDA:____________________________________ 60 PETSA:____________________________________ won by one Ano ang Kasunod? Binabati ka namin! Tapos mo na ang unang aralin ng “Won by One” at naipakilala na sa iyo si Hesukristo sa pamamagitan ng ebanghelyo na hango sa Biblia. Buong puso kaming umaasa na ika’y nagdesisyon na magkaroon ng tunay na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus bunga ng pag-aaral na ito. Kapag ika’y nagkaroon ng relasyon sa isang tao, ang iyong buhay ay magbabago. Ang espesyal na tao sa iyong buhay ay may bahagi na sa iyong iskedyul, badyet, pamilya at mga kaibigan. Nais mo na bahagi siya ng iyong pang-araw araw na buhay dahil mahal mo siya. Pinahahalagahan mo siya ng higit sa ibang mga bagay at sa ibang tao. Mahihintulad iyan sa buhay mo kay Hesus. Ang isang tapat na tagasunod ni Kristo (isang taong nagdesisyon na magkaroon ng personal na relasyon kay Hesus at nangakong maging tagasunod Niya) ay makakaranas ng pagbabago sa kanyang pamumuhay bilang tugon sa presensya ng Diyos sa kanyang buhay. Ngunit paano ba mamuhay kasama si Hesus? Papaano natin Siya mabibigyan ng pagpapahalaga sa dami ng pinagkakaabalahan natin sa buhay? Anong uri ng pagbabago ang maari mong asahan na makita sa buhay mo sa paglago mo sa iyong relasyon sa Panginoon? Lahat ng ito at iba pang mga katanungan ukol sa isang tagasunod ni Kristo ay tatalakayin sa ikalawang aralin ng “Won by One.” Aming inaasahan at ipinapanalangin na ikaw ay magpapatuloy na tuklasin pa ang mga mahalagang bagay tungkol kay Hesukristo at kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay ngayong si Hesus ay sumasaiyo na! 61 62 won by one MGA MUNGKAHING SAGOT MGA MUNGKAHING SAGOT: UNANG SESYON 1. Ang Diyos ay pag-ibig; Likas sa Diyos ang pagiging mapagmahal. 2. Isang lubos at makahulugang buhay; buhay na may layunin; buhay na may pagmamahal, kagalakan, at kaligayahan. 3. Ang Diyos ay Banal; Hindi Siya nagkakasala at pinananatili Niyang hiwalay ang Kanyang sarili sa mga bagay na marumi at masama. 4. Kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan; Ang mga makasalanan ay di makatatayo sa Kanyang harapan. 5. Tayo ay makasalanan; Hindi natin mabibigyan kasiyahan ang Diyos sa sarili nating pagsisikap at kapamaraanan dahil sa ating mga kasalanan. 6. Tayo ay tulad ng mga tupang naligaw ng landas. 7. Kung tayo ay lumabag sa isa sa mga kautusan, tayo ay lumabag na rin sa buong kautusan; Kahit na ang palagay natin sa ating sarili ay mabuti, dapat nating maunawaan na di sasapat ang mga mabuti nating gawa upang matakpan ang ating mga masasamang ginawa. 8. Kamatayan – ang walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos; Walang sinumang maliligtas, sapagkat lahat tayo ay nagkasala. 9. Namatay Siya para sa atin, kahit na noong tayo ay makasalanan pa at nasa paghihimagsik sa Kanya. 10. Ang Kanyang sakripisyo ang nagbigay daan upang tayo ay malinis at mapatawad sa ating mga kasalanan. 11. Sinakripisyo ng Diyos ang Kanyang Anak upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 12. Kailangang maniwala tayo na si Hesus ay namatay sa krus para bayarin ang ating mga kasalanan. 63 IKALAWANG SESYON 1. Walang sinumang tunay na naghahanap sa Diyos, at walang sinumang tunay na mabuti. 2. Nakita niya ang kanyang pagiging makasalanan; Siya ay isang propeta na sa tingin ng tao ay hindi ganoon kasama tulad ng karamihan; ngunit sa harapan ng Diyos, nakita niya kung gaano siya kasama. 3. Tayo ay lumabag pa din sa lahat ng kautusan. 4. Siya ay reliyoso, hindi siya makasalanang tao; ngunit kanyang naunawaan na ang pagiging relihiyoso ay hindi sapat upang siya ay maligtas. 5. Walang sinuman, kahit na gaano siya ka relihiyoso; siya ay napawalang sala dahil sa kanyang pananampalataya kay Hesus, hindi dahil sa kanyang pagiging relihiyoso. 6. Tayo ay naligtas dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalata; Ang mabubuting gawa ay bunga ng ating pagkakaligtas. 7. Ang biyaya ay bagay na ating tinanggap, kahit na di tayo karapatdapat. Mapapasa-atin ang regalo kung ito ay ating tatanggapin mula sa nagbigay. 8. Ipinakikita sa atin na ang ating mabubuting gawa ay hindi makapagliligtas sa atin. Ang kaligtasan ay kaloob ng pag-ibig, awa, at biyaya ng Diyos. 9. Ang pananaw na ito ay hindi totoo. Sapagkat ang talatang ito ay nagsasabi na tayo ay naligtas dahil lamang sa biyaya at hindi sa pamamagitan ng mga mabubuting ating nagawa. 64 won by one MGA MUNGKAHING SAGOT IKATLONG SESYON 1. Pinagkalooban ng Diyos ng buhay na walang hanggan ang lahat ng sumampalataya sa Kanyang Anak. Oo, posibleng malaman natin ayon sa nakita natin sa mga talata, dahil ito ay isinulat upang malaman natin na tayo ay may buhay na walang hanggan. Ang isang tao ay maaaring makatiyak na siya ay may buhay na walang hanggan batay sa nakasulat sa mga talata. 2. Tayo ay isang bagong nilalang. Inaasahan ko na ang buhay ko ay magiging iba na kaysa sa datin kong buhay. 3. Ang mabubuting gawa ay sadyang inihanda ng Diyos para sa mga taong nilikha Niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Ang mabubuting gawa ay hindi makapagliligtas sa atin. Gumagawa tayo ng mabuti sapagkat ito ang nais ng Diyos, at bilang pagpapahayag ng ating bagong buhay kay Kristo. 4. Maari nating masabi na tunay nating kilala ang Diyos kung tayo ay sumusunod sa Kanyang mga utos. Ang isang tao na ang pamumuhay ay katulad ng kung papaano namuhay si Kristo ay nagpapakita ng katibayan ng kanyang pananampalataya kay Kristo. 5. Dapat nating mahalin ang isa’t isa. Sinasabi ng talata na ang ating pagmamahal sa mga kapatid sa pananampalataya ay katunayan na tayo ay nasa liwanag. Dahil mahal tayo ng Diyos, ang pagmamahalan natin sa isa’t isa ay nagpapakita kung paano Niya tayo minamahal. 6. Ang grasya ng Diyos ay nagtuturo sa atin kung papaano tanggihan ang mga di makadiyos na pamumuhay at mga makamundong nasain. 7. Hindi iiwanan ng mabuting pastol ang kanyang mga tupa, ibibigay niya ang kanyang buhay para maingatan ang mga ito. Iiwanan ng upahang taga-alaga ang mga tupa kapag may panganib. 65 8. Ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa. 9. Lubos na kilala ni Hesus ang Kanyang mga tupa. Ipinagkaloob Niya ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa. 10. Ipinangako ni Hesus na walang isa man sa Kanyang mga tupa ang mawawala o maagaw sa Kanyang mga kamay. At walang sinuman ang makakakuha sa kanila sa kamay ng Kanyang Ama, na higit na makapangyarihan sa lahat. IKAAPAT NA SESYON Hebreo 13:5-6 1. Ipinapangako ng Diyos na kailanman ay hindi Niya tayo iiwan o pababayaan. 2. Dahil ipinangako ni Hesus na Siya ay lagi nating kasama, hindi natin kailangang mag-alala na mawawala ang ating kaligtasan. Lukas 15:11-24 3. Sila ay mag-ama; hindi, dahil ang kanilang relasyon ay permanente. 4. Ang masayang relasyon ng anak sa ama ay pansamantalang nawala; nagbalik ang kanyang maayos na relasyon sa kanyang ama at siya ay tinanggap ng kanyang ama ng buong kagalakan. 1 Juan 1:8-9 5. Dapat nating ipahayag o ipagtapat sa Diyos ang ating mga kasalanan; patatawarin Niya tayo at lilinisin ang ating mga puso mula sa lahat ng uri ng kasamaan. 66 won by one MGA MUNGKAHING SAGOT 1 Timoteo 2:5-7 6. Si Hesus ang tanging tagapamagitan sa Diyos at sa tao. Ito ay nagpapahiwatig na tanging sa pamamagitan ni Hesus lang tayo maaaring lumapit sa Diyos upang mangumpisal ng ating mga kasalanan. 1 Juan 3:6; 9-10 7. Ang sinumang nananatili kay Kristo ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan. Ginagawa ng mga anak ng Diyos kung ano ang tama. Ang mga taong nagpapatuloy sa kasalanan, dahil ang paniwala nila ay patatawarin pa din naman sila ng Diyos, ay nagpapatunay na sila’y di mga anak ng Diyos. Galacia 6: 7-8 8. Ang ating mga ginagawa ay may mga bunga o epeksto sa ating buhay. Ang pagsuway sa kalooban ng Diyos ay maaaring magbunga ng pagkasira ng relasyon sa kapwa, kahihiyan, problema sa pera at iba pa, samantalang ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay magbubunga ng kapayapaan, maayos na relasyon sa kapwa, makabuluhang buhay at iba pang mga pagpapala mula sa Diyos. Hebreo 12:9-11 9. Dinidisiplina ng mga ama ang kanilang mga anak. Kung tayo ay dinidisiplina ng Diyos, ibig sabihin, tayo ay itinuturing Niyang Kanyang mga anak. Ang layunin Niya ay turuan tayo para sa ating ikabubuti upang tayo ay maging maka-diyos. 67 IKALIMANG SESYON 1. Kung hahayain nating maging katulad ng panuntunan ng mundo ang ating mga pag-iisip at pagkilo; kung hahayain nating baguhin ng Salita ng Diyos ang ating mga pag-iisip. 2. Ang ating mga pita ng laman; sa simula ay iniisip ang tungkol dito, pagkatapos ay binabalak na gawin ito, sa huli ay ginagawa na ito; wag palinlang sa mga mahahalay na pag-iisip. 3. Ang diablo at ang kanyang mga kampon; sa pamamagitan ng pagsusuot ng baluti ng Diyos – bigkis ng katotohanan, baluti ng pagkamatuwid, panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng ebanghelyo ng kapayapaan, kalasag ng pananampalataya, helmet ng kaligtasan, at tabak na kaloob ng Espiritu (Salita ng Diyos). 4. Iniingatan tayo ng Salita ng Diyos mula sa pagkakasala. 5. Sapagkat nais ng Diyos na tayo ay laging manalangin upang tayo ay makaiwas sa pagkakasala. 6. Umiwas sa mga ito; sapagkat hindi natin kailangang lapitan ang tukso. 7. Ang mga masasamang tao ay makaka-impluwensya sa atin na huwag sumunod kay Kristo. 8. Salansangin o labanan ang diablo; siya ay lalayo sa atin. 9. Hindi tayo bibigyan ng pagsubok o tukso na hindi natin kayang mapagtagumpayan; Bibigyan Niya tayo ng paraan upang ito ay ating matakasan. 10. Hindi natin isasagawa ang pagnanasa ng ating laman. 11. Ang taong nagpapasakop sa pita ng laman ay hindi nakakaranas ng espirituwal na buhay, ang taong nagpapasakop sa Banal na Espiritu ay nakakaranas ng kasiyahan at kapayapaan sa buhay. 12. Inuutusan Niya tayo na mapuspos ng Banal na Espiritu; oo, sapagkat alam nating ito ang nais Niya, na mapuspos tayo ng Banal na Espiritu. 68 won by one MGA MUNGKAHING SAGOT IKAANIM NA SESYON 1. Ang binhing nalaglag sa matigas at siksik na lupa sa tabing daan ay imposibleng tumubo at mabuhay. Ang Salita ng Diyos ay naitanim sa matigas na puso (tulad ng matigas na lupa sa daan). Pagkatapos, ang diablo (tulad ng ibon) ay aagawin ang natanim na salita sa kanyang puso. 2. Ang mabatong lugar ay mayroong kaunting lupa, ngunit di sapat para tumubo ng malalim ang binhing nalaglag dito. Dahil sa ang lupa ay puno ng iba’t-ibang sukat ng bato, sa kalaunan, ang binhi ay namatay dahil hindi nag-ugat ito. Ito ang mga taong masayang tinanggap ang ebanghelyo dahil sa mga pangakong ibinibigay nito. Sa simula, sila’y lumago ngunit dahil sa walang ugat o kulang sa lalim ang pananampalataya, ng dumating ang pagsubok o problema, sila’y tumalikod sa kanilang pananampalataya. 3. Kinukuha ng mga matitinik na damo ang nutrisyon, tubig, liwanag at lugar na dapat sana ay para sa mga binhi. Kaya ng lumaki ang mga matitinik na damo, natakpan ang mga tumutubong binhi at hindi nito nakuhang lumaki. Ang tao ay nakapakinig ng Salita ng Diyos subalit hindi ito nagbunga at nadaig ng kanyang mga alalahanin at problema sa buhay at ng paghahangad na yumaman. Ang mga kaabalahan at hidwaan ay maaaring umagaw ng oras ng isang bagong mananampalataya upang pag-aralan at pagbulay-bulayan ang Salita ng Diyos. Ang paghahangad sa mga materyal na bagay ay nakaka-abala sa mga mamamanpalataya upang ang Salita ng Diyos ay hindi magbunga sa kanilang mga buhay. 4. Ang binhi ay nalaglag sa nabungkal at nakahandang lupa. Ang binhing ito ay may sapat na lalim ng lupa, lugar at kahalumigmigan upang ito ay lumago at mamunga. Dapat, ang mga mananampalataya ay katulad ng mabuting lupa. Narinig nila ang Salita ng Diyos at tinanggap ito. Ito ang mga tunay na alagad, sila na tumanggap kay Kristo, mga naniwala sa Kanyang Salita, at hinayaang ang Salita ng Diyos ay baguhin ang kanilang buhay. 69 5. Sila’y nagtagpo upang manalangin, upang mag-aral ng Salita ng Diyos, magsama-sama at magpatotoo. Ito’y upang sila ay maging matatag at ganap na alagad ni Hesuskristo. 6. Nakikinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Ang panalanging naaayon sa kalooban ng Diyos ay ang susi upang makamit ng mga mananampalataya ang kanilang hinihingi. 7. Kailangan nating magbulay-bulay sa Salita ng Diyos araw-araw. Ang Salita ng Diyos ang nagtuturo at gumagabay sa ating lakarin bilang Kristyano. Ito ang tanging panuntunan ng ating pananampalataya at pag-uugali. Ang Salita ng Diyos ang tutulong sa atin upang tayo ay maging matagumpay sa pamantayan ng Diyos, upang maging ganap ang ating pananampalataya, at maging katulad ni Kristo. 8. Ang buhay at ministeryo ni Hesus ay ipinakilala ng Kanyang pananalangin at pakikipag-ugnayan sa Diyos Ama. Maraming tao ang lumapit sa Kanya upang makinig sa Kanyang pagtuturo at magpagamot ng kanilang mga karamdaman, subalit tinitiyak pa rin ni Hesus na mayroon Siyang panahon sa pakikipagtagpo sa Ama at sa Kanyang palagiang pananalangin. 9. Kailangan na lagi tayong magsama-sama sa pagbibigay papuri sa Diyos, magbahaginan ng ating pananampalataya, at magpalakasan sa isa’t-isa sa ating lakarin bilang Kristiyano. Kailangang tayo ay may kasiglahan sa pagpapalakasan ng loob ng isa’t-isa, lalo na sa panahon ng mga pagsukbok at kahirapan. 10. Ang mga alagad ay tatanggap ng kapangyarihan mula sa Banal na Espiritu upang maging saksi ni Kristo. Ang pagiging isang saksi kay Kristo ay ang pagbabahagi mo sa iyong kaibigan, pamilya, kamaganak, at mga kasama kung ano ang ginawa ni Kristo sa iyong buhay. 11. Sila’y pinagbawalang magsalita at magturo sa pangalan ni Hesus. PInagpatuloy ni Pedro at ni Juan ang pangangaral ng Ebanghelyo at sila ay naging mabisang saksi ni Kristo. 12. Kaagad na ibinahagi ng babaeng Samaritana ang kanyang karanasan sa kanyang mga kababayan. Sa pamamagitan ng kanyang patotoo at pagbabagong buhay. 70 won by one
© Copyright 2024 ExpyDoc